Chapter Forty
Hindi Ko Kaya
[A/N: Annyeonghaseyo guyseu :) I miss you. Sorry po kung sobrang tagal bago ako nakapag-update T_T. Bilang pambawi mag-a-update ako sa Tuesday. Pasensya na po talaga kayo kung natagalan. This is just a short update. Simula ng panibago pang mga pagsubok para kina Amanda at Lucian hehe. Sana po magustuhan niyo pa rin po :) Enjoy reading mga bb <3 God bless <3 Saranghae <3]
***
Hindi ko alam kung paano natapos ang subject naming iyon dahil kay Mr. Madrigal. Wala siyang sinasabing kakaiba sadyang ang dami niya lang talagang sinasabi. Minsan pa nga nagtatanong siya sakin kahit naiintindihan naman niya ang sinasabi ng prof namin.
I cannot believe him!
Napakadaldal niya! Halata naman na nagpapapansin lang siya... He's too friendly... At alam kong isa ito sa mga style ng playboy. Bakit ba dumadami ang mga playboy ngayon? Alam ko naman kapag friendly lang talaga ang isang tao o talagang palikero...
Nang magpaalam ang prof namin ay hindi na ko nagtaka nang lapitan siya ng mga kaklase namin. Who wouldn't? Paniguradong sikat ang lalaking iyon. Mukha siyang heartthrob ng university. Kahit ngayon ko lang siya nakita sa university ay alam kong sikat siya base na lang sa mga pagpapapansin ng mga kaklase ko.
Gwapo namin kasi talaga si Mr. Madrigal. He is more than six feet tall na may matipunong pangangatawan na halatang alaga sa gym, chinito type ang magaganda niyang mga mata na may matangos na ilong at magandang panga, natural ang pagkapula ng mga labi at maputi ang balat. And what is very attractive to him is his smile na lumalabas ang braces at mas sumisingkit ang mga mata. He's really handsome no wonder kung lapitan siya ng mga kaklase namin ay akala mo isang prinsepeng bumababa sa kabayo.
Lumapit ako kina Ellen nang magpaalam ako sa iba naming kaklase. Ngumiti sila sakin.
"Nakakainggit ka, ate Amanda." sabi ni Ellen sakin."Huh? Bakit naman?" takang tanong ko sa biglaang sinabi niya.
"Alam niyo po bang transferee iyang si prince JK at player ng football team kaya sobrang sikat na sikat siya ngayon sa buong campus." pagkukwento ni Ellen sa maliit na boses. Oh? Kaya pala hindi ko siya nakikita noon. At varsity player siya ngayon ah?
"And he is one of the playboy ate. Napakaraming babaeng nagkakagusto sa kanya kaya madali na lang sa kanya ang magkaroon ng babae. Papalit-palit..." sabi naman ni Fiona.
Hindi na ko nagulat pa sa sinabi nilang iyon. Halata naman sa lalaking iyon na playboy siya. I've encountered a lot of womanizer kaya alam ko na agad when I met one.
Mabuti na lang sa sumunod na subject ay hindi ko siya katabi. Nasa harapan ko siya kaya panay ang lingon niya sakin. Hindi ako makapaniwala na lantaran niyang ginagawa ito na halatang nagpapansin sakin.
Diretso lang ang tingin ko dahil ayokong makita niya na napapansin ko ang ginagawa niya.
"Mr. Madrigal! Are you listening?"
Kahit hindi naman ako iyong tinawag ay namula ako sa hiya lalo na nang tumawa si Mr. Madrigal at nagsorry sa prof namin. Tinukso pa siya ng mga kaibigan niya. Nakita ko pa ang pag-iling ng prof namin sabay tingin sakin.
BINABASA MO ANG
Carrying The Billionaire's Baby (Book Three; Carrying His Love)
General FictionAmanda found out about Lucian's plan on having his revenge to their family by using her. Nalaman niya ang dahilan why she's carrying the billionaire's baby. Iyon ay para maiparamdam sa kanila ni Lucian ang sakit. Pero nagbago ang lahat nang matuto s...