Special Chapter (Part Two)
[A/N: Annyeonghaseyo guyseu :) This will be a short update. Natutuwa akong isulat ang life after marriage nila Lucian at Amanda hehe. Kaya baka hindi lang po tatlo ang isusulat ko hehe.
Sana po magustuhan niyo pa rin po ang update natin ngayon. Thank you! Thank you so much po sa mga nagbabasa ng kwentong pag-ibig nila Luciana at Knight (Played by the Playboy) 😍 I was overwhelmed kasi natutuwa ako na binabasa niyo pati ang kwento nila :) Salamat po ❤
And I also have my Lucila and Brandall's love story (One Night Stand with the Billionaire)
Samuel and Lyna (Married to my Ex)
Once in a while ay ina-update ko po ang tatlong kwentong iyan kasi talagang gusto ko pong matapos ang mga kwento nila. Kaya I am thanking all the people who read their story. Thank you so much <3 I owe you a lot ❤
So ayun po. Napakahaba na naman hehehe. This is just a short update. Enjoy reading guyseu. Ingat palagi. Stay at home if necessary, take care always and stay healthy. God bless everyone ❤ Saranghaeyo 💕]
***
Marahan akong gumalaw para hindi maistorbo ang mga katabi ko sa kama. Nakayakap pa ang braso sakin ni Lucian habang nakayakap naman ako sa anak. Nasa magkabilang gilid ko ang mag-ama ko.
Hinalikan ko si Allu na talaga namang sa mga lumilipas na araw ay mas lalong nagiging masigla at makulit. Natutuwa ako sa anak dahil marunong ng makipaglaro sa Kuya Kino niya, kay Georgiana at kina Ana at Nathan kapag bumibisita ang mga iyon. At mukha siyang Kuya sa mga anak ni Lucila na sina Luisa at Braiden.
Madalas kasi ay bumibisita ang mga bata samin. Maligaya pa rin ang pagsasama ni Cassandra at Crisostomo kasama ang mga anak nila. Both kids are already in school.
Isang buwan na rin ang nakalipas simula ng kasal namin ni Lucian. Bumalik na si Lucian sa pagtatrabaho pagkatapos ng honeymoon namin.
Nagkasundo kaming dalawa na magiging homebody ako. Hindi muna ako magtatrabaho dahil masyado pang bata ang anak namin.
Bumukod na rin kami ni Lucian sa mga magulang ko pagkauwi namin galing honeymoon. Nasa condo ko na ang iilang gamit namin ni Lucian. Nag-iwan pa rin ako ng mga gamit sa bahay in case na dadalaw ako roon ay hindi na kailangang magbitbit pa ng mga gamit namin.
Inaayos na ang bahay namin ni Lucian pero sa ganoong kalaking bahay ay buwan ang bibilangin bago iyon matapos. Pinapaayos na rin namin ang interior design kay Lucila.
She stayed here kasama ang kambal niya. Bagay na alam kong mahirap gawin knowing na isang pagkakamali lang ay malalaman ni Brandall ang totoo.
Nasa condo ni Caiden ngayon nakatira si Lucila kasama ang kambal. Si Celeste ay bumalik na sa Paris pero mag-isa lang siya. May tinatapos na isang fashion show na mga design niya ang imo-model.
Si ate Luciana naman ay nagsimula ng magtrain sa kumpanya nila sa marketing department habang hinihintay ang pagsisimula ng pasukan sa susunod na school year.
Tatapusin kasi ni ate Yana ang huling taon niya sa kolehiyo na hindi niya nagawa dahil sa aksidente noon.
Palagi pa rin kaming nag-uusap ni ate Iana. Si Kuya ay palaging bumibisita kina mama Arcelia para makita si Kino o kaya naman tuwing Friday at Saturday sa bahay natutulog si Kino at iuuwi kapag umaga ng Sunday.
BINABASA MO ANG
Carrying The Billionaire's Baby (Book Three; Carrying His Love)
General FictionAmanda found out about Lucian's plan on having his revenge to their family by using her. Nalaman niya ang dahilan why she's carrying the billionaire's baby. Iyon ay para maiparamdam sa kanila ni Lucian ang sakit. Pero nagbago ang lahat nang matuto s...