Chapter Twenty Nine
Nakabalik
[A/N: Hello mga bb :) Pasensya na po kung ngayon lang ang update. Maikli lamang po ito. Enjoy reading guyseu :) Thank you po sa patuloy pa rin na nagbabasa ng kwentong ito :) Alam ko karamihan huminto nang basahin ito kaya nagpapasalamat ako sa mga nagpapatuloy na maghintay para lang sa mga updates :) Maraming maraming salamat po <3 God bless <3 Saranghaeyo <3]
***
Habang nasa biyahe kami pauwi ng Manila ay abot-abot ang kaba at antipasyon sa puso ko. Nanlalamig ang mga kamay ko. Ito na! Oras na lang ang bibilangin ay makakaharap na namin ang mga magulang ko.
Hinawakan ni Lucian ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya. "Ang lamig ng mga kamay mo," sabi niya at hinalikan ang kamay ko. Inirapan ko siya kasi nasa boses pa niya ang kaaliwan. Parang hindi siya kinakabahan na pauwi na kami.
Tumawa siya nang mahina at hinalikan ako sa mga labi ko. Gulat na tinignan ko siya kasi hindi ko iyon inaasahan. Jeez! Namula ang pisngi ko nang maabutan ang mga tingin ni Kuya Knight samin mula sa rear view mirror ng sasakyan ni Phoenix. Ngumiti lang si Kuya sakin kaya naman bahagya rin akong ngumiti sa kanya at tinignan na si Lucian. Hindi na talaga siya nahihiya kay Kuya.
"Baby, hindi mo kailangang kabahan dahil kasama mo ko... Hindi kita iiwan." sabi niya. Napakagat ako sa labi sa sinabi niya. Napunta na sa kanya nang tuluyan ang atensyon ko at isinandal ang ulo sa balikat niya. "Salamat, Lucian." sabi ko sa kanya at hinawakan ang kamay niya. Hinalikan niya ang buhok ko.
Nawala kahit paano ang kabang nararamdaman ko dahil sa assurance ni Lucian na iyon. Nagsimulang magkwento si Lucian nang mga nakakaaliw na bagay dahilan para mawala ang isip ko kahit sandali ang paghaharap namin ng mga magulang ko.
Habang nasa daan kami ay nakikipag-usap din kami kina Kuya at Phoenix. Si Phoenix ang nagmamaneho at katabi niya sa harapan si Kuya Knight na talagang sinamahan pa kami para lang magbigay ng suporta at kung kakailanganin ng tulong sa pagpapaliwanag ay nandiyan siya. Napakalaking bagay nun para samin ni Lucian. Naiibsan nun kahit papaano ang kaba at kaunting takot na nararamdaman ko.
Natatakot din kasi ako maliban sa kaba, na baka hindi kami matanggap nila mommy at daddy. Na baka hindi nila mapatawad si Lucian at magkaroon ng malaking gulo mamaya. Na huwag naman sanang mangyari. Itinataas ko na nga lang sa Diyos ang lahat.
Naging mabilis ang biyahe namin dahil sa eroplanong sinakyan namin. Nang makababa kami nila Lucian sa may airport ay nangilid ang luha sa mga mata ko. I am finally back! Ilang buwan na rin simula nang huli akong makatapak sa Manila. Ngayon nga na nandito na kami ay halu-halo ang emosyong nararamdaman ko.
I am happy na makakabalik na rin ako ngayon kina mommy and daddy. Makakasama ko na ulit sila ngayon. Ang tagal-tagal kong nangulila sa presensya nila. Nangulila na mayakap at mahalikan sila. Ilang buwan akong nangulila sa mga magulang ko at ang tagal ko ring inasam ang araw na ito.
Naramdaman ko ang kamay ni Lucian sa mga kamay ko. Napatingin ako sa kanya. Ngumiti siya sakin at hinalikan ako sa noo ko. Buhat-buhat pa rin niya si Allu. Salitan kami sa pagbuhat ng anak pero mas matagal ang pagkarga niya kay Allu.
Huminga ako nang malalim at ngumiti kay Lucian. God help us...
BINABASA MO ANG
Carrying The Billionaire's Baby (Book Three; Carrying His Love)
General FictionAmanda found out about Lucian's plan on having his revenge to their family by using her. Nalaman niya ang dahilan why she's carrying the billionaire's baby. Iyon ay para maiparamdam sa kanila ni Lucian ang sakit. Pero nagbago ang lahat nang matuto s...