Chapter Nineteen

11.2K 232 37
                                    

Chapter Nineteen









[A/N: Waaahhh! Annyeonghaseyo guyseu. Pasensya na po kung ngayon lang. Sana magustuhan niyo ang update natin ngayon. Maikli lang po ito. Enjoy reading po :) God bless <3

Anyways. I just want to shout out to my beshies, Micaela, Cris Ann, Angelica and Kevin <3. Bakit lagi niyo kong pinapaiyak hahaha. Mahal na mahal ko kayo. Thank you dahil kahit hindi ako laging nakakasama sa inyo hindi niyo pa rin ako kinakalimutan. Oh my gosh haha. Ang cheesy ko. Enebe. I really appreciate everything :) Love you beshies <3 Thank you sa gifts <3 Salamat sa lahat :) Saranghaeyo <3]












***

"Bakit kaya hindi ka na lang sumabay samin sa pag-alis?" tanong ni Phoenix nang sabihin ni Timothy sa lahat na aalis na siya bukas.






"Oo nga naman, Tim." sabi ni Kuya. "May naghihintay pa sating shot." sabi pa niya. Napangiti ako dahil doon kahit napapailing. "Hindi pa kita nati-treat kaya dapat hindi ka muna aalis." sabi naman ni Lucian. I am happy na okay na si Lucian at si Timothy na nagagawa na nilang mag-usap ng ganito.





"Papayag na iyang si Timotheo..." sabi ni Iana na napapansin kong iyon ang tawag niya. Minsan naman naririnig kong tinatawag ni Timothy si Iana na Qīn na ang ibig sabihin sa English ay Bae o pinaikling babe o baby. Dahil doon alam ko talaga na mas close na sila sa inaakala ko.






Bahagyang tumawa si Timothy. "Alright. I will stay for two more days." sabi niya. "Ayos." sabi ni Phoenix. Nagpalitan pa sila ng apir. Natawa na lang kami ni Luciana.






Nang matapos kaming kumain nang almusal at maayos ko na si baby ay nagpaalam na muna kami sa kanila. Iniwan ko muna ang baby namin sa mga boys dahil kami ang pupunta ni Luciana sa may palengke para mamalengke ng mga kakainin namin.






“Kayo na muna ang bahala kay baby Allu hmm?” sabi ko kanila Lucian. “Kami na ang mamamalengke ni Iana para sa pagkain natin.” sabi ko pa sa kanila. Nasa sala sila at nakahanda naman na kami ni Iana para umalis at mamili ng mga iluluto namin sa pananghalian at hapunan.






Hawak naman ni Kuya si baby Allu. Alam ko na magiging mabait na magulang si Kuya Knight pero hindi ko inakala na ganito pala ka bagay kay Kuya ang pagbubuhat ng baby. He really suits to become a father. Kapag nagkaroon na siya ng sariling anak alam kong tulad ni Lucian ay magiging mabuti siyang ama. Mas lalong guma-gwapo ang tingin ko kay Kuya at kay Lucian dahil sa pagiging mabuti nilang tao.





Kampante akong iwan ang anak kasi nandiyan naman si Lucian at sina Kuya, Phoenix at Tim na pwedeng magbantay sa kanya at isa pa malapit lang naman ang pupuntahan namin.





“Samahan na namin kayo---“ si Kuya na pinutol nang pag-iling ni Iana. Ngumuso si Kuya sa kanya kaya naman mahina akong natawa. Iling lang ni Iana tumitiklop si Kuya. I cannot imagine my Kuya easily surrendering  with just a nod. Bakit ang cute ni Kuya? Nakikita ko talaga si Lucian sa Kuya ko. Same playboy who fell hard.





“Girl’s bonding. At boys please behave. Ingatan niyo ang baby namin.” sabi ni Luciana sa kanila na ang turing na sa baby namin ni Lucian ay anak niya. Napangiti ako sa kanya dahil mahal na mahal ni Iana si baby Allu. I am glad to know that my baby had a kindhearted tita.





“Baka naman marami kayong bibilhin. Tutulungan ko kayong magbuhat.” sabi naman ni Lucian na sinusubukan pa ang swerte niya. Ngumiti ako sa pagpapa-cute ng baby ko.





Carrying The Billionaire's Baby (Book Three; Carrying His Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon