Chapter Sixty Six
Pendant
[A/N: Happy New Year mga babes <3 This is my gift for you mga babes sa pag-uumpisa ng taon <3 Hope you'll like it :) Maraming salamat po <3 Pasensya na po kung gabi na. Nangako kasi ako na may update ngayong linggo kaya ito na po. Pagpasensyahan niyo na po kung bitin po ito dahil talagang minadali ko lang po para makapag-update at matupad po ang sinabi ko. Pasensya na po talaga.
Enjoy po kayo :) Enjoy reading po :) Next time babawi po ako :) Maraming maraming salamat po <3 Saranghaeyo mga babes <3]
***
“Ako na ang maghahatid sainyo ni Allu, bukas.” sabi ni Lucian.
Humupa na ang mga emosyon namin kanina. Parehas kaming nakaupo sa kama habang ginagamot ko ang sugat niya sa kamao niya. Katatapos ko lang gamutin ang sugat sa palad niya na nasugatan nang dahil sa piraso ng bubog kanina. Marahil nung nagbasag siya ng iilang gamit. Hanggang ngayon nga ay hindi pa namin naaayos ang mga gamit.
Hindi ko maiwasang masaktan habang nakikita ko ang sugat sa mga kamay niya. He's knuckles are bleeding too dahil sa pagsuntok niya sa dingding at ang palad naman niya may sugat din dahil sa mga binasag niyang gamit kanina na paniguradong hindi na niya napansin na nakasugat na pala sa kanya. I know it hurts so much pero parang balewala lang sa kanya iyon. Hindi ko gusto na sinasaktan niya ang sarili niya dahil lang dito.
“Huwag mo na ulit gagawin ito,” sabi ko sa kanya at idiniin ang bulak sa kamay niya. Hindi man lang siya nasaktan kaya naiinis ako dahil parang wala lang sa kanya.
“Hindi ko maipapangakong hindi na ulit kita masasaktan,” sabi niya.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Halos kapusin ako ng hangin ng makita ang iba't ibang emosyon sa mga mata niya. “Lucian hindi ko kailangan ng pangakong ganoon…”
Ang isa niyang kamay ay humawak sa kamay ko para pigilan ako sa panggamot sa kanya kaya ganoon ang ginawa ko. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan iyon.
"Hindi ko akalain na madali mo lang akong mapapatawad..."
"Forgiving is a way of healing, Lucian. If I really wanted to start a life without pain and regret... I should forgive so I could be happy. So every pain I am feeling will slowly fades..."
Pinaglaruan ni Lucian ang palad ko. "You are really so kind. So forgiving. I hope our son will inherit all your good traits dahil hindi na natin kailangang mangamba kapag dumating na siya sa tamang edad kapag ganoon."
Napangiti ako. "I hope he will be just like you... except of course for being a playboy." sabi ko naman. Lucian has every woman wants for herself. Huwag lang talaga isasama ang pagiging mapaglaro niya. Noon. Pero alam ko naman na nagbago na si Lucian. Alam ko iyon at napatunayan ko na iyon nang magkasama kaming dalawa.
Napailing siya at nag-iwas ng tingin. "I'll chain Allu to his bedroom. Make a curfew for him. I'll make a deal with him. No woman in his life until he reach 25 and if he does, I will give whatever he wants."
Hindi ko napigilan ang mahinang tawa sa sinabi niya. Hindi ko naisip na sasabihin ni Lucian ito para sa anak namin. Kawawa naman pala si Allu kapag nagkataon.
Ayoko naman na ikadena namin ang anak at pigilan sa gusto nito. I'll let our son do whatever he wants as long as he knows his limitation. I'll remind him always to be faithful. Marami namang Griffin na hindi playboy at higit sa lahat they are faithful. Once they are in love... they remain in love. Kaya naman hindi ako nangangamba para sa anak ko. I know that if he loves someone... he will forever love that girl. Like his papa.
BINABASA MO ANG
Carrying The Billionaire's Baby (Book Three; Carrying His Love)
Ficção GeralAmanda found out about Lucian's plan on having his revenge to their family by using her. Nalaman niya ang dahilan why she's carrying the billionaire's baby. Iyon ay para maiparamdam sa kanila ni Lucian ang sakit. Pero nagbago ang lahat nang matuto s...