Chapter Eighty Three

4.1K 172 60
                                    

Chapter Eighty Three

Relatives









[A/N: Annyeonghaseyo guyseu. This will be a short update lang po. Introduction lang po muna sa mga kamag-anak ni Lucian hehe. So ayun po. Sana po magustuhan niyo pa rin po :) Maraming maraming salamat. Enjoy reading po :) Saranghaeyo <3 God bless <3]






***

Nagkasundo kami ni Lucian na susunduin niya kami ng maaga bukas by chopper para by lunch ay naroon na kami sa mansion. Sa mismong helipod sa Hacienda Paraiso kami lalapag bukas.




Nandoon na raw ang mga kamag-anak nila Lucian. Ang sabi niya sakin ay hindi alam ng mga pinsan ni Lucian na isasama kami ni Allu ng kuya nila. Tinanong ko siya kung kasama ba namin ang mga magulang ni Lucian. Ang sabi niya sakin ay kagabi raw nagpunta ang mga magulang niya kaya hindi namin sila kasabay ngayon sa pagpunta. Kahit paano lumuwag ang dibdib ko roon dahil pakiramdam ko ang awkward kapag kasama ko sila na bibiyahe.




Kaya hindi pa rin ako makapaniwala na nag-aayos na ko ngayon ng mga gamit namin ni Allu para bukas. Oh gosh! Hindi ko maiwasang kabahan sa mangyayari bukas!




Bukas makakaharap ko lahat ng kamag-anak ni Lucian maliban sa kay Caiden na hindi na nakauwi dahil ayaw niyang maiwanan si Lucila. Ito ang pangalawang paghaharap namin ng mga kamag-anak ni Lucian and yet mas doble ang kabang nararamdaman ko.




Ang mga magulang ko ay nagbalot na ng mga pwedeng ibigay sa matatanda kanina. Lalo na ang cocoa, na kinuha pa ng daddy sa farm namin, at sila na mismo ng mommy ang gumawa ng tsokolate. Masarap iyon bilang mainit na inumin sa umaga o sa hapon at ipares sa tinapay.




Nakarinig ako ng katok sa pinto at pumasok mula roon ang mommy. "Kailangan mo ng tulong, anak?" nakangiting tanong ni mommy.




Ngumiti ako kay mommy at tumango. "Salamat po, Mommy." sabi ko. Pumasok si mommy at tinulungan ako sa pagtutupi sa mga damit para ilagay sa maliit na traveling bag na dadalhin ko.



"How are you feeling anak?" tanong ni mommy habang nilalagay ang gamit ni Allu sa mommy bag na dadalhin ko.




"I am excited po," sagot ko. "Pero kinakabahan po ako," amin ko kay mommy.




"Ayos lang na makaramdam ng ganyan, anak." sabi ni mommy. Napahinto ako sa ginagawa at tinignan si mommy. "Hindi mo kailangang matakot sa kanila anak. Hindi mo kailangang ipilit ang sarili mo sa kanila."




Hinawakan ni mommy ang kamay ko. "You just have to be you, Amanda. Hindi mo kailangang baguhin ang sarili mo para magustuhan nila. Be civil with them. Just treat them with smile and respect, sweetheart."



Napangiti ako kay mommy at tumango. "Opo,  mommy."



"Tawagan mo kami kaagad ng daddy mo ah? At kapag pakiramdam mo, pinagkakaisahan ka na ng lahat, magpahatid ka na kaagad dito satin. Huwag mo hayaang maliitin ka nila. Hindi ako makakapayag na magpapaapi ka, Amanda."



Napangiti ako sa sinabi ni mommy. "Opo, mommy. Isusumbong ko po sila kapag inapi nila ko."



Tumawa si mommy at hinalikan ako sa uluhan ko. "Hindi kami kinakabahan ng daddy mo anak dahil kasama mo si Lucian at alam kong gustong-gusto ka rin ng grandparents nito base sa sinabi ni Lucian. Kaya alam ko na hindi ka pagsasalitaan ng mga anak nito dahil nirerespeto nila ang mga magulang nila."



Ngumiti ako kay mommy. "Sobrang babait po ng grandparents ni Lucian, mommy. Wala po akong masabi ganoon din po si tito Gregorio na siyang nag-asikaso samin noon."



Carrying The Billionaire's Baby (Book Three; Carrying His Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon