Chapter Thirty

5.8K 203 50
                                    

Chapter Thirty

Papa













[A/N: Annyeonghaseyo guyseu :) Happy Easter Monday po :) Sana po magustuhan niyo ang update natin ngayon :) Enjoy reading guyseu :) Maraming salamat po <3]












***






Kita ko na hindi makapaniwala ang mga magulang ko na makita ako ngayon. Ang kasiyahan at pangungulila ay basang-basa at ramdam ko sa kanila at alam kong iyon ang makikita at mababasa nila sa mga mata ko.







Marahang binitawan ni Lucian ang kamay ko at narinig ko ang mahinang pagkakasabi niya ng, "Go ahead babe," sabi niya. Ngumiti ako sa kanya at sinalubong ko nang mahigpit na yakap ang mga magulang ko na niyakap din ako ng sobrang higpit.







"Mommy, daddy." hindi ko na napigilan ang mga luha ko nang maramdaman ang mga yakap nila. Ngayong nandito na ulit ako at nayayakap ko na ulit sila ng ganito ay talaga namang nagbibigay ng kasiyahan at kaginhawaan sa puso ko.







"Oh, anak! Bumalik ka na!" masayang sabi nila. "Bumalik ka na!" Umiiyak katulad ko.
Nahabag ang puso ko.







"Nandito na po ako. Hindi na po ako aalis. Miss na miss ko po kayo. Miss na miss ko po kayo, mommy, daddy."







Ang muling makulong sa mga yakap nila at maramdaman sila ay nagdudulot ng sobrang kaligayahan sa puso ko. I missed them so much. So so much.







Naramdaman ko ang paghalik nila sa uluhan ko. "Miss na miss ka rin namin anak." masayang sabi nila. Sobrang saya ng puso ko ngayon. Matagal bago kami kumalas sa yakap ng isat'isa, ipinaparamdam ang pagkasabik.





Napatingin ako kay Lucian nang lumagpas sakin ang tingin ni daddy nang magsimula siyang kumustahin ako.





Bumilis ang pagtibok ng puso ko nang makita ang gulat at nagtatakang reaksyon ni daddy habang nakatingin kay Lucian. "Sino iyang kasama mo, Amanda?" tanong ni daddy. Nagsimulang lumakad palapit kay Lucian.





Kinabahan ako.






Lumunok ako at sumunod kay daddy habang hawak ni mommy ang braso ko. Nagkatinginan kami ni mommy. Nasa mga mata niya rin ang pagtataka. Ngumiti si mommy sakin kaya ngumiti rin ako. Kahit paano ay nabawasan ang kaba.







Muli akong tumingin kina Daddy at Lucian. Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko sa magaganap. Alam kong ang mga susunod na sandali ay hindi magiging ganoon kaganda.





"Anong ginagawa mo rito?" may panganib sa boses ni daddy nang tanungin niya iyon kay Lucian. Mukhang nakikilala na ni daddy kung sino si Lucian. Alam kong kahit hindi pa alam ni daddy ang tungkol kay Lucian ay alam kong kilala niya ito bilang karibal nila sa negosyo.





Nagregidon ang puso ko. Mabilis akong lumapit kay Lucian sa takot na masaktan siya ni daddy dahil ramdam ko ang matinding galit ni daddy.







"Magandang gabi po," magalang na sabi ni Lucian sa mga magulang ko at bahagyang yumuko.







"Anong ginagawa mo sa pamamahay ko, Griffin?!" may galit na tanong ni daddy at itinuro pa si Lucian. Mas lalo akong kinabahan para sa dalawang lalaking mahal ko.





Carrying The Billionaire's Baby (Book Three; Carrying His Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon