Chapter Sixty Nine
Boyfriend
[A/N: Annyeonghaseyo guyseu:) This is just a short update. Pasensya na po kayo naging busy lang talaga si Owtor ngayon huhu. Enjoy reading po :) Pagbigyan niyo na lang po muna ang mga ka-sweet-an nila Amanda at Lucian. Medyo pahahabain ko ng ilang chapters ang panliligaw ni Lucian dahil may last na pasabog pa ang CTBB bago po matapos hehe. Gusto ko muna na very light ang bawat mangyayari bago ulit sila haharap sa realidad ng relasyon nila. So ayun po. Sana po magustuhan niyo pa rin :) Maraming salamat :)
Let's all pray for our Kababayan. Palagi po kayong mag-iingat. God bless everyone <3 Saranghaeyo 💕]
***
Nasa sala na ang mga magulang ko nang makapasok kami ni Lucian sa loob.
Magalang na bumati si Lucian sa mga magulang ko. Si mommy ay magiliw na pinaupo si Lucian habang seryoso naman ang daddy.
I don't know what my daddy is up to. Natatawa ako kay daddy. Talagang ginagalingan ni daddy ang facade niya bilang isang istriktong daddy sa manliligaw ng dalagang anak.
"Gusto ko po sanang umakyat ng ligaw..."
Natigilan ako nang mariniy kay Lucian iyon. Namula rin ang pisngi ko ng sabihin niya iyon.
Waaahhh! Why is it so formal? Kailangan pa ba ito?
"Please... stop being so formal with each other. Hindi na naman kailangan ng ganito eh," nahihiyang sabi ko.
"Tama lang Amanda na maranasan niyang manligaw. Para alam niya ang hirap." si daddy.
Kita ko na kinurot ng mommy si daddy. Magkatabi sila habang katabi ko naman si Lucian.
"Handa po akong gawin lahat para maging karapat dapat ulit."
Napatingin ako kay Lucian. Nasa mukha niya ang conviction katulad ng maririnig sa boses niya.
"Mabuti naman kung ganoon." si daddy. "Nung kabataan namin... nagsisibak pa kami ng kahoy at nag-iigib. Gumagawa ng sulat o kaya naman nanghaharana sa gabi."
Hindi ako makapaniwala na sinasabi ng daddy ito. Ganoon pa rin ba sila noon manligaw?
Natawa ang mommy sa sinabi ng daddy. "Ikaw lang naman ang gumawa nun ng panahon natin. Hindi na naman iyon ang way of courting ng panahon natin." natatawang sabi ng mommy. "I never forced you. Ikaw ang mapilit."
"I am old fashioned. That's the right way of courting."
"For you because you're old, honey. Huwag mo nang igaya saiyo ang mga bata." Mom teased.
Daddy snorted kaya naman natawa kami ng mommy. Hinawakan ko ang kamay ni Lucian at tumingin ako sa kanya. Nasa mga mata niya ang adoration sa mga magulang ko.
"Pagpasensyahan mo na ang daddy ah..." bulong na sabi ko sa kanya. Nahihiya ako kay Lucian.
Ngumiti siya. "I want us to be like your parents when we get old." sabi niya, admiration is in his eyes.
Hindi ko akalain na iyon ang sasabihin niya sa kabila ng ginagawa ng daddy sa kanya. He still respect daddy. Napatingin kami kay daddy nang tumikhim siya.
BINABASA MO ANG
Carrying The Billionaire's Baby (Book Three; Carrying His Love)
Fiksi UmumAmanda found out about Lucian's plan on having his revenge to their family by using her. Nalaman niya ang dahilan why she's carrying the billionaire's baby. Iyon ay para maiparamdam sa kanila ni Lucian ang sakit. Pero nagbago ang lahat nang matuto s...