Chapter Twenty Five

7.2K 171 10
                                    

Chapter Twenty Five















[A/N: Annyeonghaseyo guyseu :) Ito ay maikli lamang po. Pasensya na po sa kalalabasan nito. 1 more chapter then Manila na po ang setting ng story :) Sana po magustuhan niyo pa rin :) Enjoy reading :)

Anyways, gusto ko pong magpasalamat sa mga nagbasa ng "Married in Debt" :) Thank you so much doon sa mga binasa ang story nina Cassandra at Attorney at nag-iwan ng vote and comment nila :) Sobrang appreciated po :) Kahit iilan lang ang nagbasa nun ay sobrang natutuwa na ko :) I am actually enjoy writing two stories at a time :) Alternate po ang update nun. CTBB muna then bukas naman ang MID :) Sana sa mga hindi pa nakabasa ay sana makapunta kayo sa story nila Cassandra at attorney :) Malaking bagay na po sakin iyon :) Salamat <3

So ayun. Mahaba na naman hehehe. Enjoy reading po  <3 Saranghaeyo <3 God bless <3]













***

Inayos ko na si baby Allu kanina para tuloy-tuloy na ang tulog nito. Inilapag ko na muna siya sa may crib para makapaghapunan kami. Wala pa si Lucian at mukhang hindi pa niya naaaya si Attorney na umuwi. Siguro nag-e-enjoy na rin siya roon.








Hindi ko maiwasang makaramdam ng kirot at mag-isip. Naisip ko lang na iyon ang mga ginagawa noon pa ni Lucian bago niya ko makilala. Iyon ang buhay niya bago kami dumating ng anak sa kanya. Alam ko na hindi ko iyon mababago. At ayokong magbago siya dahil lang samin ng anak. Hindi niya iyon kailangang gawin. Tulad nga nang sinabi sakin ni Kuya... Hindi porket may responsibilidad na kami ni Lucian sa anak ay kailangan na rin naming baguhin ang mga nakasanayan na namin.









Ayoko na baguhin ni Lucian ang mga nakasanayan na niya. Kung gagawin man niya iyon gusto ko dahil iyon ang gusto niya. Ako... handa na ko sa pagbabagong darating sa buhay ko ngayon. Natanggap ko na may mga bagay na hindi ko na pwedeng gawin dahil may responsibilidad na ko ngayon. I am now a mother to my child. Siya na ang priority ko ngayon.









Tapos na kaming maghapunan nila Kuya. Hinihintay ko ngayon si Lucian sa sala kasama sina ate Iana at Kuya Knight. Nanonood lang kami sa may sala habang si Juana naman ay nasa kwarto na para patulugin si baby Georgiana. Kahit sinabi ko na kila Kuya na magpahinga na sila ay sinamahan pa rin nila ko.








"Baka naman nambabae na iyon Shobe kaya hindi pa umuuwi." sabi ni Kuya nang pasado alasiyete na ay wala pa si Lucian. Naiakyat ko na rin ang anak sa kwarto namin dahil sobrang himbing na nang tulog nito.








Gulat na napatingin ako kay Kuya dahil hindi ko inaasahan na sasabihin niya iyon. Nakita ko na hinampas siya ni ate Iana kaya umaray si Kuya. "Bawiin mo nga iyong sinabi mo. Paano mo nasasabi iyan sa kapatid mo ah?" sermon ni ate.








Napangiti ako kay ate Iana na nagalit na sinabi ni Kuya iyon. "Nagbibiro lang ako, baobei..." sabi ni Kuya at hinawakan si ate sa kamay nito pero hindi siya pinagbigyan ni ate. Gusto kong matawa. Mabilis talagang tumitiklop si Kuya pagdating kay ate Iana. Na handa niyang gawin lahat nang sasabihin ni ate.

Carrying The Billionaire's Baby (Book Three; Carrying His Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon