Chapter Fifty Two
Fiancee
[A/N: Hello guyseu :) Sorry sa matagal na update. Maikli lamang po ito. Naisip ko na saka na lang po pala ako maglalagay ng note. Anyways. Ito po ay paghaharap nina Amanda and Elysia :) Sana mabigyan ko ng justice hehehe. So ayun po. Enjoy reading po :) Sana talaga magustuhan niyo :) Thank you so much mga babes <3 God bless everyone <3 Saranghaeyo mga bb <3]
***
Dahil sa kakaiyak ko kagabi ay halos wala akong tulog. I tried to contact Lucian pero hindi ko siya ma-contact. Sobrang sama ng pakiramdam ko dahil sa kakaiyak lalo na sa sakit na nararamdaman sa nalaman.
I cannot believe that the woman in that parking lot ravishing Lucian is Elysia! Ganoon na nga sila noon katagal na magkasama. They shared a lot of things... and maybe they also shared bed not only kisses. Jeez! Why am I even thinking it now?
At kapag naiisip ko iyon ay nasasaktan ako. Nasasaktan ang puso ko. Hindi ko matanggap kahit alam ko naman na nagkaroon sila ng relasyon noon at hindi na ngayong narito ako.
Halos ayaw ko nang bumangon kinabukasan dahil tatlong oras lang ang naging tulog ko. Bukod sa pag-aasikaso sa anak ay naapektuhan pa ko ng napanood kaya tatlong oras lang ako halos nakatulog.
Agad kong chineck ang cellphone ko para tignan kung may text man lang ba si Lucian. Pero wala. Ramdam ko na naman ang paninibugho sa dibdib ko. It felt dejavu! Nung napanood ko sa TV ang tungkol sa balita na may kinalaman kay Lucian at sa Elysia na iyon. Ganitong-ganito rin ang pakiramdam.
Nasasaktan na naman ako. At ang babaeng iyon na naman ang dahilan. Masakit dahil kahit anong laban ko sa babaeng iyon... Nakakalamang siya sa maraming bagay.
Bago pa ko muling humagulgol ng iyak ay inabala ko na ang sarili sa paghahanda para makapasok na. Nang makababa ako at mabati ang mga magulang ay ibinigay ko na kay ate Issang si baby Allu para mapaarawan nito. Sumabay ako sa mga magulang na mag-agahan. Nagpapasalamat nga ako na hindi nila nahalata ang pamumula ng mga mata ko. Kung sakali man... iniisip nilang puyat sa dami ng ginagawa sa school at sa pag-aalaga ko kay Allu kapag gumigising ito sa madaling araw.
Ang driver namin ang naghatid sakin dahil wala si Lucian. Maaga naman umalis ang mga magulang ko kaya hindi nila ako naisabay para maihatid. Nang nasa university na ay ang bigat bigat ng nararamdaman ko. Alam kong napapansin ni Justine ang pananahimik ko kaya naman hindi niya ko kinulit sa oras ng klase. Pero nung mag-vacant na ay sa library kami tumuloy na dalawa kaysa sumama sa mga kaibigan namin na sa cafeteria na lang palipasin ang oras. Mas pinili na lang namin na tapusin ang ginagawa naming project para sa isa sa mga subject namin.
"Okay ka lang ba?" tanong niya. Tinatapos na namin ang isa sa mga project namin. Isang business plan. Magkapartner kasi sa project na iyon kaya naman kami lang ang magkasama ngayon. By pair lang kasi iyon. At halos siya ang kasama ko sa mga reporting at project.
"Ayos lang. Bakit mo naman naitanong?" sabi ko at ngumiti, lumabas tuloy na pinipilit iyon kaya mas lalo niyang nahalata na hindi ako okay. Mahirap pala talaga pekein ang nararamdaman. Nahihirapan talaga ako kapag tungkol samin ni Lucian ang issue.
"Hindi mo naman kailangang magpanggap kapag kaharap ako eh," sabi niya. Napabuntong hininga ako at inalis ang ngiti sa mga labi ko. "May nangyari na naman ba? Si Jeric na naman ba?"
BINABASA MO ANG
Carrying The Billionaire's Baby (Book Three; Carrying His Love)
General FictionAmanda found out about Lucian's plan on having his revenge to their family by using her. Nalaman niya ang dahilan why she's carrying the billionaire's baby. Iyon ay para maiparamdam sa kanila ni Lucian ang sakit. Pero nagbago ang lahat nang matuto s...