Chapter Sixty

4.8K 158 77
                                    

Chapter Sixty

Love









[A/N: Annyeonghaseyo guyseu :) Sorry for the late update. So here's a short update. Nag-update na po ako ngayon dahil magiging busy at baliw na naman ako sa pinakahihintay kong comeback ng EXO <3 Waaahhh! Oh my god! Please stream/listen to my EXO's Obsession <3 You will really love it promise :) Magkita-kita po tayo ng 6 PM sa YouTube when you stream hehehe. Salamat <3 Obsession, Obsession, Obsession <3

So ayun po. Enjoy this short update :) Maraming salamat po <3]












***



Nang pakawalan ako ni Phoenix ay saktong paglapit ni Timothy. Hinawakan niya ko sa kamay ko at itinago sa likuran niya. “Pagsabihan mo ang pinsan mo, Phoenix.” sabi niya kay Phoenix.





“Huwag mo na silang pakealaman, Tim.”





“Tell that to your cousin.” sabi niya at hinila na ko palayo roon.





Hindi na ko nakapagpaalam pa kay Phoenix dahil doon. Wala tuloy akong nagawa kung hindi ang magpahila kay Timothy. Ramdam ko ang galit niya.





“That bastard! Anong karapatan niya na bigla na lang manghimasok pa sa buhay mo pagkatapos ng mga ginawa niya?”





Nagpakawala siya ng mura. Naglalakad na kami papunta sa kotse niya ngayon pero patuloy siya sa pagsasalita.





May iilan pa na sinubukan kaming batiin pero hindi na iyon napapansin ni Timothy kaya naman nginingitian ko na lang sila. Patuloy lang si Timothy sa mga sinasabi niya.





“That fucker! Sa tingin niya dahil mahal mo siya ay may karapatan na siyang basta ka na lang pakealaman? Na dahil alam niyang mahal mo pa siya gusto niyang manatili ka sa kanya sa kabila nang ginawa niya saiyo? Gago ba siya? Hindi pagmamahal ang maitatawag kung pipilitin mo ang isang tao kahit hindi na siya masaya---”





Hinawakan ko ang braso ni Timothy para kumalma siya dahil alam kong nagagalit siya. Amused na tinignan ko siya dahil hindi ko madalas nakikita ang ganito kaseryoso niyang itsura. Mas lalo siyang gumagwapo dahilan para di ko mapigilan ang ngiti ko kaya naman nahinto siya sa mga sinasabi niya.





Nagkatinginan kaming dalawa. Napasandal ako sa kotse niya dahil pakiramdam ko nawalan ako ng lakas sa mga nangyari.





“I have no feelings for him anymore…” sabi ko sa kanya, seryoso na rin.





Mas lalong naging seryoso ang tingin ni Timothy sakin. Hinawakan niya ang pisngi ko kaya napakurap ako. “That’s not what I am seeing…” bulong niya.





Tinignan ko siya sa mga mata niya, para malaman niya na mali siya sa nakikita niya. I know my eyes won't betray me. “Para sakin tapos na kaming dalawa. Kaya hindi ko rin nagustuhan ang ginawa niya. Kung hinayaan lang sana ako ni Phoenix ay iyon ang sasabihin ko sa kanya.”





Hindi makapaniwala si Timothy sa mga sinabi ko. Alam ko na nakita niya na seryoso ako sa mga sinasabi ko. I know it's to fast... pero wala na kong maramdaman.





“Amanda…”





Bumuntong hininga ako. “Gusto ko nang mabuhay nang hindi na napapaugnay pa sa kanya.” sabi ko sa kanya.





Carrying The Billionaire's Baby (Book Three; Carrying His Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon