Chapter Seventy
Date
[A/N: Annyeonghaseyo guyseu :) Huhu. Pasensya na po kayo kung ngayon lang. I am really really busy lang po talaga huhu. Pasensya na po talaga.
Enjoy reading po :) Mag-iingat po kayo palagi 😘 God bless everyone ❣]
***
Lumipas ang araw at naging abala kami sa school. Sa dalawang araw na iyon ay palagi lang nandiyan si Lucian bilang si Sean. Palagi ay sabay kaming kumakain ng tanghalian sa may tagpuan namin para walang mga matang iintrigahin kami.
Nagkasundo kaming dalawa na magpapanggap pa rin siyang si Sean. Iyon lang naman ang pagkakataon na magkakasama kami nang walang susubukang guluhin kami.
Hatid sundo ako ni Lucian bilang si Sean kaya nakikipaghalubilo rin siya kina Lex at Justine pero pormal lang na batian. Wala ng higit pa roon dahil talagang pinaninindigan ni Lucian ang pagiging "driver" niya kuno ko.
Nasa may cafè kaming tatlo nila Justine at Lex dahil may kailangan kaming tapusin at dito namin napagpasyahan iyon.
"Ang gwapo ni Sean kahit may balbas at medyo makaluma ang ayos ng buhok." komento ni Lexsie habang nakatingin kay Lucian--- which is Sean sa pagkakakilala nila.
Bahagya akong nagulat sa biglang sinabi ni Lex. Napatingin ako sa kanya na nakatingin sa may labas ng cafe particular sa gilid kung saan nakapwesto si Lucian at nakamasid samin.
Hindi mo palaging naririnig si Lexsie na pumupuri ng mga lalaki. Bilang ang mga lalaking nakakaagaw ng atensyon niya. Ay hindi ko akalain na isa si Sean sa mga bilang na lalaking iyon.
"Anong sinasabi mo, Lexsie?" iritadong tanong ni Justine na sumulyap din kay Lucian.
Napangiti ako sa dalawa at hindi nililingon si Lucian dahil ayoko naman na isipin niyang siya ang pinag-uusapan namin. Ayoko ring ma-distract dahil paniguradong kapag nakita ko na naman ang kulay tsokolate niyang mga mata ay magugulo na naman ang mga alaga ko.
"Bakit ba? Totoo naman ah?" si Lex na may paghanga talaga. "I've seen a lot of handsome men in our school or in other places, and Sean, despite of his style, makes him attractive maybe because of his body built." sabi niya.
Nagulat ako na ganoon ang sasabihin ni Lexsie. Napupuna ni Lexsie ang bagay na iyon kay Sean?
Narinig ko ang marahas na hininga ni Justine. "Huwag mong sabihin sakin na nagugustuhan mo ang lalaking iyan?"
"Why not? Sean seems to be kind, handsome in his own and sexy way..." tumatawang sabi ni Lex.
Ang sama na ng tingin ni Justine sa kanya lalo na nang tignan ni Justine si Sean, halatang nagseselos. Really? These boys!
Hindi ko maiwasan ang ngisi ko sa dalawang love birds na ito. Kung alam lang ni Justine na ang pinagseselosan niya, pinagseselosan din siya.
"Kailan pa naging gwapo ang balbas sarado? Ang makalumang buhok." ismid ni Justine. "Sorry, Amanda ah? I am not criticizing."
Tumawa ako dahil kilala ko naman si Justine. Hindi siya ang uri ng tao na judgemental.
Natawa pa ko lalo na nang paismid ding nagsalita si Lexsie. "I am not criticizing... Tss!" ulit niya sa sinabi ni Justine. "Look at some of the girls here... they are obviously interested with Sean..."
BINABASA MO ANG
Carrying The Billionaire's Baby (Book Three; Carrying His Love)
General FictionAmanda found out about Lucian's plan on having his revenge to their family by using her. Nalaman niya ang dahilan why she's carrying the billionaire's baby. Iyon ay para maiparamdam sa kanila ni Lucian ang sakit. Pero nagbago ang lahat nang matuto s...