Chapter Seventy Three

6.1K 151 31
                                    

Chapter Seventy Three

Simpatya









***


Akala ko makakatulog ako sa kakaisip na mag-uusap kami ni Lucian bukas pero hindi pala.




Nakayakap ako sa anak pero hindi dalawin ng antok. I tried playing games on my phone or watch videos but I can't sleep so I stop forcing myself.




Hinihintay ko na lang na makatulog ako. Kahit anong sabihin kong hindi ako apektado ay apektado talaga ako.




I need Lucian's words to assure me. To calm my nerves.




Kaya naman nang makita ko ang pag-ilaw ng cellphone ko ay ganoon na lang ang tibok ng puso ko na para bang alam nito na si Lucian iyon.




At hindi nga ito nagkamali. Nang bumangon ako at maupo ay nakita ko ang text ni Lucian.




Lucian:

Are you still awake? Can I call?




Nangilid ang luha ko. Tumikhim ako at nagtipa ng reply sa kanya.




Ako:

I can't sleep. Call me please.




Wala pang ilang saglit ay rumehistro na ang tawag ni Lucian. Nagbabara ang lalamunan ko kaya inalis ko muna iyon para hindi mahalata ni Lucian.




"Hi..." bati ko nang sagutin ko ang tawag niya.




"Amanda..."




Namayani ang katahimikan saming dalawa. Kapwa paghinga lang namin ang naririnig. Para bang marinig lang namin ang boses ng isa't-isa at ang paghinga ay sapat na kahit walang mahabang usapan.




"How are you?" tanong ni Lucian pagkaraan ng ilang minuto. "Bakit hindi ka makatulog?"




Napakagat ako sa labi ko. "I am waiting for your call. I'm glad you did."




Narinig ko ang buntong hininga niya sa frustrated na paraan. "I'm sorry..."




"Para saan?"




"For making you worry... For making you wait... for hurting you because of that news."




Nangilid ang luha sa mga mata ko dahil alam niya ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito.




"I've seen the news... magkasama kayo sa meeting?" tanong ko. Nagpapasalamat na hindi nabasag ang boses ko.




"We were at the middle of our meeting when she came. Nakita siya ni Mr. Gaston and called her. He was her godfather and a tight family friend kaya inanyayahan sa mesa namin dahil katatapos lang din namin sa meeting... We had our conversations. Hindi ako agad ako nakawala..."




Hearing his explanation makes me at ease. Nabawasan ang bigat nang nararamdaman ko. Siguro saka lang mawawala nang tuluyan ang nakadagan sa dibdib ko kapag nakita ko na siya bukas at kapag niyakap na niya ko.




"I understand, Lucian. Thank you for calling me and explaining to me. It mean so much to me."




"I should be the one saying thank you because you always understand me. Thank you for giving me a chance to explain. For hearing me out. It means a lot to me, Amanda."




Carrying The Billionaire's Baby (Book Three; Carrying His Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon