Chapter Ninety Four
Proposal
[A/N: Annyeonghaseyo guyseu :) Waaaahhh! This is it! Pinaghandaan ko po ang chapter na ito at napakatagal na simula nang maisip kong magiging ganito ang kahahantungan ng relasyon nila Lucian at Amanda at sobrang thankful ako na naisulat ko na rin siya wakas hahaha. I hope you will love this chapter. Pambawi sa LAHAT ng luha at sakit na naidulot ng kwentong ito.
MULI, MARAMING MARAMING MARAMING SALAMAT PO SA WALANG SAWANG PAGMAMAHAL <3 PLEASE DO ENJOY MY LITTLE GIFT FOR YOU MGA BABES 😙❤. REGALO NA RIN SA MADRAMANG COUPLE NA SINA AMANDA AT LUCIAN HAHAHA. ENJOY READING GUYSEU <3
Please take care po lalo na sa mga apektado ng bagyong Ambo. Mag-iingat po kayo palagi lalo na sa panahon ng pandemic. You are always in my prayers. God bless everyone <3 Mahal ko kayo <3 Saranghaeyo 😙💕]
***
"Congratulations!" bati namin ni Juana kay Cassandra nang pumasok kami sa kwarto kung nasan inaayusan siya ngayon.
It was their second wedding anniversary. And their church wedding!
Sa mga lumipas na panahon na magkasama silang dalawa ay napatunayan nila kung gaano nila kamahal ang isa't isa. Niyaya ulit ni attorney na pakasalan si Cassandra, this time church wedding na para wala na raw ground na makita sa annulment. At natutuwa ako kay attorney sa malaking desisyon niyang iyon!
"Salamat, Amanda, Juana." ngiti niya. Her eyes got misty kaya naman agad ko siyang sinaway.
"Hindi ka pwedeng umiyak masisira ang make up mo," sabi ko sa kanya dahilan para tumawa siya. Natawa rin kami ni Juana.
Napakaganda ng kaibigan ko. She's wearing her wedding gown na isang kilalang fashion designer ang gumawa. She looks like a queen! Very beautiful!
Hindi kasi pumayag ang mama ni attorney na simpleng kasalan lang ang mangyayari. Yes, tanggap na siya ng biyenan niya. Isang malaking regalo para sa mag-asawa.
"Hindi ko maiwasang kabahan lalo pa at napakaraming bisita. May media pa sa labas..."
Ngumiti ako sa kanya. "Huwag kang kabahan, Cass. Ipakita mo sa buong mundo kung gaano ka kasaya. Ipakita niyo sa lahat kung gaano kayong nagmamahal..."
"Tama si Amanda, Cass. Ipakita niyong dalawa ni attorney na sa kabila ng lahat ng pagsubok, muli kayong pagbubuklurin ng Diyos," sabi ni Juana. Napangiti ako sa kaibigan.
Ngumiti si Cassandra at nagpasalamat samin ni Juana.
Isang linggo bago ang araw na ito ay tinawagan kami ni attorney para sabihin samin na muli silang ikakasal na dalawa.
This time with all the relatives, friends and medias covering their church wedding.
Muli na namang nangilid ang luha sa mga mata ni Cassandra. "I am so happy. Very happy that finally... finally I will be Mrs. Crisostomo Arnaiz again."
Niyakap ko ang kaibigan ko. "Masaya ako para saiyo, Cassandra. You deserve to be happy."
"Oh, thank you so much, Amanda! Kayo na mga kaibigan namin ang hulog ng Diyos sa relasyon namin ni Crisostomo."
Napangiti ako at hinalikan ang kaibigan sa pisngi niya. "Wala kaming hangad kung hindi ang kasiyahan niyo. Enjoy this day, Cassandra. You really really deserve it."
BINABASA MO ANG
Carrying The Billionaire's Baby (Book Three; Carrying His Love)
Ficción GeneralAmanda found out about Lucian's plan on having his revenge to their family by using her. Nalaman niya ang dahilan why she's carrying the billionaire's baby. Iyon ay para maiparamdam sa kanila ni Lucian ang sakit. Pero nagbago ang lahat nang matuto s...