Special Chapter (Part Three)
[A/N: Annyeonghaseyo guyseu :) Kumusta kayo mga bb? Pasensya na po now lang nag-update. Babawi po ako sainyo sa LAST TWO SPECIAL CHAPTERS. Yes po. Mayroon pa pong dalawang special chapters akong idadag. Iyon na iyong after ng ilang buwan na nilang mag-asawa. Gusto ko kasi sanang magsulat ng maraming special chapters but then I realized kailangan ko na rin pa lang mag-focus sa iba ko pang story. so ayun. I hope you understand.
I'll update soon. Enjoy reading po :) Ingat po kayo palagi. Stay safe mga babes. Stay healthy. God bless 💕]
***
Tumawag sakin si Lucian na hindi siya makakauwi ng maaga dahil nagkaroon ng emergency meeting sa opisina.
"Ayos lang, Lucian. Magpapahatid na lang ako sa condo," sabi ko sa kanya.
"I'm really sorry, love."
"It's okay, Lucian. Hindi naman maiiwasan iyon," sabi ko. "Kumain ka ng dinner..."
"I will. Kumain na kayo?"
"Katatapos lang namin. Mamaya maya ay uuwi na rin kami ni Allu."
"Alright. I'll see you at home?"
Napangiti ako. Nagdudulot talaga ng init sa puso ko kapag sinasabi niya ang home. That being with me and his son is home.
Simula nang minahal ko si Lucian, I felt like he is home.
"Okay. Mag-iingat ka mamaya pag-uwi," sabi ko sa kanya.
"Salamat, babe. I love you."
"I love you, Lucian." bulong ko.
Maya maya lang ay nagpahatid na ko pauwi sa condo. Nagpaalam na ko kina mama Arcelia at papa Luciano. Ganoon din kay ate Luciana.
"Text us kapag nakauwi ka na," sabi ni mama Arcelia nang hinatid na niya kami sa labas.
"Opo, mama." ngiti ko.
Pinahatid na kami sa isang driver doon. Humalik na ko kay mama Arcelia bago na ko sumakay sa van habang karga ang anak na inaantok na.
Nang makarating sa condo ay nilagay ko na kaagad ang anak sa kwarto na tulog na.
Nagtext ako kay mama Arcelia ganoon din kay mommy para sabihing nakauwi na kami. Alam nila mommy na kina Lucian ako naghapunan. Bukas sa kanila naman ako dadalaw.
Nagtext na rin ako kay Lucian para sabihing nakauwi na kami.
My Loving Husband:
Mauna ka ng matulog, Amanda. Late na ko makakauwi. Good night. I love you.
Napangiti ako at nagreply sa kanya.
Ako:
Mag-iingat ka pag-uwi. I love you.
Naglinis lang ako ng katawan. Hihintayin ko si Lucian na umuwi. Nasanay na ko na kapag nagkakaroon siya ng mahabang meeting at inaabot na siya ng mga 10, pinaka late niyang uwi, hinihintay ko pa rin talaga siya.
Hindi na ko sanay na natutulog na hindi siya katabi. Hindi na kasi ako nakakatulog kapag hindi ko siya ang katabi ko. I am always looking for his warmth and comfort beside that make me at peace at night. I always sleep soundly when he's beside me.
BINABASA MO ANG
Carrying The Billionaire's Baby (Book Three; Carrying His Love)
Fiksi UmumAmanda found out about Lucian's plan on having his revenge to their family by using her. Nalaman niya ang dahilan why she's carrying the billionaire's baby. Iyon ay para maiparamdam sa kanila ni Lucian ang sakit. Pero nagbago ang lahat nang matuto s...