Special Chapter (Tiffany's POV)
Hello guyseu :) I am so happy po ❤ Thank you for loving me as well as my stories. And all my characters. Thank you so much 💕
This will be the last POV ng mga characters ko po. At the end of this POV, I have an announcement.
Sana po magustuhan niyo ang update natin ngayon. Palagi kong hangad na magbigay ng saya ang bawat update ko kahit sobrang drama ng iba huhu. Tulad ngayon. Medyo madrama na naman haha.
Enjoy guyseu. Salamat ng maraming marami po ❤ Ingat po palagi. Eat healthy and drink plenty of water. God bless po ❤ Saranghaeyo mga bb 💕
***
Tiffany's POV
Naalala ko noong kasal ni Amanda at Lucian nang maging best man ang aking Phoenix.
He's in the altar with Lucian, looking so handsome in his best man suit.
Habang nakatingin ako sa kanya ay naramdaman ko ang pagnanais ko na sana, dumating ang araw na kami naman ni Phoenix ang magsasama.
I've fallen in love with Phoenix since the day I've met him. Ang mga mata niya ang dahilan kung bakit natunaw ang puso ko at lumandi sa kanya.
Sa mga mata niya una kong naramdaman ang pagnanais na maging babaeng mamahalin niya. Sa mga mata niya, pinangarap kong maging apple of the eye niya. Ang maging babaeng tanging makikitang mamahalin ng puso niya.
Pero alam ko naman na malabo iyon dahil iba ang tinitignan niya.
Sinundan ko ang tingin ni Phoenix at nakita kong tinitignan niya si Gracia na katabi ng kakambal niyang si Nixon.
Alam ko naman na lumipas man ang ang mga panahon na magkasama kami... hindi iyon sasapat dahil mayroon na siyang ibang minamahal.
Na hanggang ngayon ay mahal na mahal pa rin niya.
Kahit anong gawin ko. Kahit na subukan ko... alam kong hindi ko kayang kalabanin si Gracia sa puso niya.
Pinunasan ko ang mga luha ko nang maalala ko ang sandaling iyon. Huminga ako ng malalim at binuksan ko ang pinto ng condo ni Phoenix. Makita ko sila ni Gracia na magkayakap habang nakaupo sa sofa sa sala.
Nalaman ko na nag-away si Nixon at Gracia kaya naman dinala siya ni Phoenix dito.
"Tiffany..." magkasabay na tawag nila sakin.
Kita ko ang gulat sa mga mata ni Gracia at ang guilt sa mga iyon. Tumayo silang pareho at tinignan ako.
"Alam mo ba kung ano ang ginagawa mo, Gracia?"
Hindi ko na mapigilan ang pagkainis ko. Alam kong mas matanda siya sakin pero naiinis ako na parang saming dalawa ako pa ang mature na mag-isip!
Sinong matutuwa kapag ang nilapitan ng isang babaeng nasasaktan ay ang lalaking nagmamahal sa kanya na hindi niya kayang tugunan?
Sinasaktan lang niya si Phoenix! Shit! How insensitive!
"Tiffany huminahon ka," sabi ni Phoenix at hinawakan ako sa braso ko.
Alam ko na wala akong karapatan na umakto ng ganito pero hindi ko na matiis! Ano ba ang sa tingin nila ang ginagawa nila?
BINABASA MO ANG
Carrying The Billionaire's Baby (Book Three; Carrying His Love)
Aktuelle LiteraturAmanda found out about Lucian's plan on having his revenge to their family by using her. Nalaman niya ang dahilan why she's carrying the billionaire's baby. Iyon ay para maiparamdam sa kanila ni Lucian ang sakit. Pero nagbago ang lahat nang matuto s...