Chapter Fifty Seven
Good bye
[A/N: Anyeonghaseyo guyseu :) This is just a short update. POV na po ni Amanda ito :) Enjoy reading po :) Next update, bagong Amanda na kaya less drama na hehe. Salamat po ng marami <3 God bless everyone <3]
***
[Days Ago (kinabukasan pagkatapos ng araw na kumalat ang balita)]
[Amanda's POV]
Maaga akong pumasok kinabukasan kahit para akong bangkay na hinukay ulit. Ganoon ang pakiramdam ko. I am alive but dead inside. Sobrang sakit ng nararamdaman ko sa loob ko na halos hindi ako makahinga. Iyong pakiramdam na may nakadagan na bakal sa dibdib ko na ayaw matanggal kaya nahihirapan ako. Sobrang sakit na makita mo ang taong mahal mo na kasama ng iba pagkatapos niyang magsinungaling saiyo.
Nang pagbaba ko mula sa hagdan ay nagulat ako nang nandoon si Phoenix, kausap ng daddy. Natigilan ako. Umangat ang paningin ni Phoenix sakin kaya hindi na ko nakaatras pa sa pagbabalak kong muling umakyat sa taas at pumasok sa kwarto ko saka magtago sa kanya para lang maiwasan ko siya. Tumayo siya nang makita ako.
Parang may pumiga sa dibdib ko. Ramdam na ramdam ko ang sakit. Hindi pa ko handang makausap si Phoenix dahil pakiramdam ko pati siya niloloko ako.
"Good morning, sweetheart..." bati ni daddy sakin at ni Phoenix. Bumati ako pabalik.
Humalik ako kay daddy at yumakap. Ramdam ko ang higpit ng yakap niya sakin pabalik na para bang alam niya ang nararamdaman ko sa sandaling ito. Ngumiti ako kay daddy nang kumalas. Tinignan ko si Phoenix, hindi ako ngumiti man lang sa kanya. Hindi ko alam pero parang kusang nawawala ang emosyon ko ngayong kaharap siya.
"Amanda..."
Tumango lang ako sa kanya at muling tinignan si daddy. "Aalis na po ako." paalam ko kay daddy.
"Teka, hindi ka ba muna kakain?" tanong ni daddy.
"May usapan po kami ni Justine daddy." sabi ko, kahit wala naman talaga para lang maiwasan ko si Phoenix. Hindi ko nga rin alam kung bakit si Justine ang unang pumasok sa isip ko.
"Ganoon ba. Oh, siya. Nasa kusina ang mommy mo. Magpaalam ka na."
Tumango ako kay daddy at hinalikan siya sa pisngi niya. "Bye dad." paalam ko. Humarap ako kay Phoenix. Kita ko ang matinding sakit sa mga mata niya kaya bahagyang nakadama ng sakit at guilt ang dibdib ko.
Pero hirap na hirap na ang puso ko na basta na lang tanggapin ulit ang mga taong sinaktan ako. Pwede ko naman sigurong protektahan muna ang sarili ko hindi ba? Ang puso ko hindi ba? Sa sakit na maaari pa niyang kaharapin kapag sinubukan ko ulit na tanggapin sila.
"I can drive you, babe." sabi niya.
Bahagya akong ngumiti, pero alam kong walang silbi iyon dahil wala namang kaemo-emosyon ang ngiting iyon. "Salamat pero hindi na. Nagsabi na ko kay manong eh. Nasa labas na ng gate." sagot ko. Kusa yatang naging malamig ang tono ng boses ko.
Tumango siya pero naroon naman ang sakit sa mga mata niya pero may pang-unawa rin akong nakita kaya naman bahagyang nasaktan ang puso ko sa guilt na ginagawa ko sa kanya ito. I’m sorry, Nix.
BINABASA MO ANG
Carrying The Billionaire's Baby (Book Three; Carrying His Love)
General FictionAmanda found out about Lucian's plan on having his revenge to their family by using her. Nalaman niya ang dahilan why she's carrying the billionaire's baby. Iyon ay para maiparamdam sa kanila ni Lucian ang sakit. Pero nagbago ang lahat nang matuto s...