Chapter Sixty Seven

5.6K 156 19
                                    

Chapter Sixty Seven

Liligawan







[A/N: Annyeonghaseyo mga babes. This is just a short update. I'll update ulit po bukas para sa dalawang update na ipinangako ko. Wala pong bago kaya baka medyo ma-bored po kayo. Pasensya na. Bawi na lang po ako sa susunod. Maraming salamat <3 Enjoy reading po :) Maraming salamat <3 God bless ❤]







***


Umihip ang panggabing hangin kaya naman humigpit ang yakap ni Lucian sakin mula sa likuran ko dahilan para hindi ako makaramdam ng lamig. Nakaharap kami pareho sa may dagat.




"Gusto kong malaman, Lucian, kung paano mo nagawang magpanggap bilang si Sean." sabi ko.




I was curious. Gusto kong malaman kung paano niya nagawang magpanggap bilang driver namin. Alam kong hindi niya magagawa iyon without the help of my parents. Imposibleng hindi alam ng mga magulang ko na nagpapanggap siyang si Sean. Hindi nila basta papalitan si Mang Carding. May hinala na ko na pati si Manong ay kinausap din nila.




"Alam ba nila mommy at daddy ang tungkol doon?"




Bumuntong hininga si Lucian at mas niyakap ako. Ipinatong niya ang baba sa balikat ko. "I got the blessing from your parents so I can pretend to be your driver."




Kahit inasahan ko na na alam nga ng mga magulang ko ay nagulat pa rin ako.




"Alam nila and they let you." hindi makapaniwalang sabi ko. Hindi nila gusto na mangealam pa kaya ang malaman na alam nila... Hindi ko maiwasang magulat. It only means that they are still rooting for him. "Magaling niyong naitago sakin ang tungkol doon."




"Please don't be mad at us hiding it from you. Especially to your parents. Ako ang nakiusap sa kanila na payagan akong makalapit saiyo bilang driver mo. Mababaliw na ko kapag hindi pa kita nakasama at nakakausap o nakita man lang kaya nakiusap ako sa kanila."




Napakagat ako sa labi dahil may mainit na bagay ang humaplos sa puso ko sa sinabi niya. Alam ko kung gaano siya nangulila sakin dahil ganoon din ako sa kanya. Kahit sabihin pa na nagagalit ako sa kanya noon, sa kaibuturan ng puso ko, nangulila ako ng lubos kaya madali lang na binigyan ko siya ng pagkakataon.




"At first hindi sila pumayag dahil alam nila that it will upset you. Ayaw nilang pangunahan ka pero napilit ko sila. Sinabi ko na hindi kita guguluhin. I will just drive you anywhere you'll go. I won't disturb you. Ayos na sakin basta makasama lang kita kahit ang pagkakakilala mo sakin ay si Sean, na isang driver mo lang. That's the only way I can be with you nang hindi ka nagagalit at hindi mo ko pinagtutulakan palayo,"




Nakaramdam ako ng guilt sa sinabi niya. Hinawakan ko ang kamay niyang nakayakap sa tiyan ko. "I'm sorry kung nagmatigas ako na huwag kang kausapin o lapitan man lang," sabi ko at tiningala siya. I feel guilty ngayong nag-uusap na kami. Pinagtatabuyan ko siya sa tuwing sinusubukan niya kong kausapin o lapitan sa nakalipas na dalawang buwan.




Ngumiti siya at hinalikan ako sa noo ko. Napapikit ako at nakaramdam ng kaginhawaan. "Naiintindihan ko kung bakit naging ganoon ang trato mo sakin. Mabuti na lang talaga at pumayag ang mga magulang mo na magtrabaho ako sainyo."




Dumilat ako para matignan siya. Hindi ko maiwasan ang maliit na ngiti para sa sinabi niya. Magtrabaho samin. He really took his job as my driver, seriously.




Carrying The Billionaire's Baby (Book Three; Carrying His Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon