Chapter Eighty Eight
Blood
[A/N: Annyeonghaseyo guyseu :) Pasensya na po ngayon lang ako nakapag-update. Sana po magustuhan niyo pa rin ang update natin ngayon kahit may twist sa dulo hehe.
To my co-EXO L, congratulations satin auntie at uncle na tayo kekeke. To my baby Chen, Jongdae, congratulations sa first baby niyo 😍😍 I am so happy lang kaya I really wanted to share this to all the fans. Nakakatuwa pala kapag nagkapamilya na ang idol mo na sumusuporta ka pa rin 😍 Congrats! Saranghaja! ❣
So ayun. Enjoy po hehehe. Maraming salamat :) Ingat palagi and God bless bb ❣]
***
Hindi talaga ako makapaniwala sa naging regalo sakin ni tita Arcelia kaya naman gumawa ako ng cookies para ibigay kay tita sa sunod na pagdalaw ni Allu para malaman ni tita that I appreciate it so much. Pinadala ko iyon kay ate Issang nang pumunta sila kahapon ng anak ko sa bahay nila Lucian.
Sa mga lumipas na araw ay mas lalo kaming naging abala sa OJT namin. Palagi ay nauuna ako kay Juana sa pag-uwi.
"Mukhang pagod na pagod ka ah?" puna ko.
Ako na ang nagpatulog kay Georgiana dahil masyadong napagod kakalaro at ala siyete pa lang ay inantok na. Alas otso pasado na naman siya ngayon umuwi. Sobrang traffic naman din kasi.
Hinalikan ako ni Juana sa pisngi ko at ganoon din ang anak. Sumalampak si Juana sa higaan niya. "Oh Lord! I'm so tired!" sabi niya na ikinatawa ko.
"Kumusta naman ang tandem niyo ni Kuya George?"
Muli siyang bumangon para tignan ako. Sumimangot siya. "He's a terror!" bulalas niya.
Natawa ako. "What? Bakit? Palagi kayong nag-aaway?"
"Palagi niya kong inaaway!"
Natawa ako. "Hayaan mo pagsasabihan ko..."
Umiling siya. "Huwag na, Amanda. Baka sabihin pa ni sir na naghahanap ako ng kakampi. He's so strict. Perfectionist."
"Iyon nga ang sabi... medyo istrikto raw talaga si Kuya George compare kay Kuya Greg. Pero okay ka lang ba?"
Umiling siya. "Palagi na lang niya kong pinag-iinitan. Ayoko na!"
Natawa ako sa kaibigan. "Intindihin mo na lang si Kuya George..."
Sumimangot siya. "Palagi naman eh. Hayst! Kung hindi lang sa kanya nakasalalay ang grade ko, nilayasan ko na siya."
Natatawa ako sa kanya kaya naman tumawa na rin siya. "Ang gwapo gwapo pa naman din niya. Ang sungit lang." sabi niya. "Pero marami akong natututunan sa kanya kaya pinapalampas ko na lang talaga ang pagsusungit niya sakin."
Mapanukso ko siyang tinignan. Tinaasan niya ko ng kilay. "Tigilan mo ko, Amanda." sabi niya.
Natawa na lang ako. "May tiwala ako na makukuha mo rin ang puso ni Kuya George sa pagluluto mo. Alam ko naman na magaling ka Juana kaya approve ka kay Kuya kaya siya ganyan saiyo."
Tumawa si Juana. "Hindi yata kasi matanggap ni Sir na pwede ko na siyang palitan sa kusina."
Nagtawanan kami sa biro niyang iyon. "Yie. Pagagalitan ako nun kapag nalaman niyang sinabi ko iyon."
BINABASA MO ANG
Carrying The Billionaire's Baby (Book Three; Carrying His Love)
General FictionAmanda found out about Lucian's plan on having his revenge to their family by using her. Nalaman niya ang dahilan why she's carrying the billionaire's baby. Iyon ay para maiparamdam sa kanila ni Lucian ang sakit. Pero nagbago ang lahat nang matuto s...