Chapter Forty Five
Bisita[A/N: Annyeonghaseyo guyseu :) This will be a short update. Sorry po kung ngayon lang. Busy at nagkasakit kasi si Owtor last week kaya ngayon ko lang na-update ito. Pasensya na po. Pagpasensyahan niyo na rin po ang maikling update natin ngayon. Ingat po kayo parati ngayong maulan :) Lagi kayong magdadala ng payong niyo para hindi kayo magkasakit :) Take care always <3 Sana magustuhan niyo pa rin po itong update :)
And to my co EXO-L who attended the two days concert of EXO last Firday and Saturday, thank you so much for making our boys felt your overflowing love <3 Thank you for making it more special and memorable for them <3 Thank you. I love you <3 And to those who didn't attend, it's okay, babes, next time makikita na rin natin sila <3 Remember that we, who doesn't attend their concert are the special ones by our beloved leader, Suho, haha. I love you, fam <3
Anyways. So ayun. Please do enjoy my update :) Happy Tuesday <3 Saranghaeyo <3 God bless everyone <3]
***
The celebration continues at our mansion.
Everyone gave gifts to our baby kaya naman biniro namin sila na pwede na kaming magpatayo ng sarili naming shop for baby."Pwede niyo na ring gamitin iyan sa second baby niyo kaya talagang dinamihan na namin ang regalo..."
Namula ang pisngi ko lalo na nang magtawanan sila at tinukso-tukso pa kami.
"Kapag isang taon na si Allu... may lalaki ulit kami." si Lucian na nakisakay sa biruan. Nagulat ako sa sinabi niya. I didn't even think about having our second child, agad.
Naghiyawan sila at mas lalo kaming tinukso. Napailing ako at hinampas si Lucian na nakikitawa rin sa kanila. Natawa na rin ako kahit namumula ang mga pisngi.
Umabot ng gabi ang selebrasyon lalo na at ngayon na lang din kami nagsama-sama. Pinagbigyan kami nila mommy at daddy at nauna nang magpaalam samin nang lumalim ang gabi. Nagpasalamat kaming lahat.
Nagsimula ang inuman at mas lalong nagkasiyahan. Kasama nila mommy at daddy si Allu kaya hindi ko kailangang mag-alala. Tulog na rin ang mga bata sa kwartong inuukupa nila Cassandra. Kampante na silang iwan ang anak dahil kaya naman ng bantayan ni Nathan ang kapatid. Si baby Georgiana naman ay sinamahan muna ni ate Issang sa pagtulog. Nagvolunteer siya na itabi sa kanya ang bata sa pagtulog para makasama samin si Juana. Si ate Issang ay magpapahinga na lang daw kaya hindi na sumama samin sa inuman.
Madaling araw na kami natapos sa inuman at kwentuhan. Nagpaalam na ang HandCool-Est at ang ilang mga pinsan ni Lucian na sina Kuya Fausto, Samuel kasama si Lyna, si Nixon at Gracia, si Leo rin ay umuwi na tinukso pa kasi may uuwian daw. Tinawanan lang ni Leo iyon at hindi nagkomento. Umuwi na rin ang mga kaibigan ni Lucian na sina Michael, Ram at Wiro. Nagpasalamat ako sa kanila.
Lahat kami ay pagod kaya naman kanya kanya na silang paalam samin para makapagpahinga. Hinatid namin sila ni Lucian sa kwarto na uukupahin nila.
Nagpaiwan kami ni Lucian, Kuya, Phoenix, Marcus, Attorney at ni Timothy para tumulong sa pag-aayos sa naiwan namin sa labas. Gusto pa sanang tumulong ng iba pero sabi namin ay kaya na namin.
Nagpasalamat ako sa kanila nang matapos kami. Masaya ako na hindi iba ang turing nila kay Timothy. Natutuwa ako na nakikipag-usap sila at nakikipagbiruan kay Timothy bilang kaibigan ng mga ito.
BINABASA MO ANG
Carrying The Billionaire's Baby (Book Three; Carrying His Love)
General FictionAmanda found out about Lucian's plan on having his revenge to their family by using her. Nalaman niya ang dahilan why she's carrying the billionaire's baby. Iyon ay para maiparamdam sa kanila ni Lucian ang sakit. Pero nagbago ang lahat nang matuto s...