Chapter Seven
[A/N: Annyeonghaseyo guyseu :) Pasensya na po sa di ko pag-a-update nung Tuesday. Ito ay maikli lamang po. Sana po magustuhan niyo pa rin :)
This update is dedicated to 3shaMateo_29. Sorry bb kung ngayon ko lang naibigay ang hiling mong dedication para sa birthday mo nung nakaraan. Nitong linggo ko lang siya nabasa huhuhu kaya ngayon ko lang nalaman </3 Pasensya na kung sobrang sobrang late na. Kung nalaman ko lang sana ng mas maaga T_T. This chapter is dedicated for you :) Maraming maraming salamat <3 You are one of my watty friends who stays and still supporting Amanda and Lucian kaya I am so thankful :) Thank you so much bb <3 I wish you happiness. Saranghae bb <3 Take care always and God bless you <3
Sa lahat, enjoy reading guyseu :) Sarang <3 God bless <3]
***
“Tang ina, Lucian hindi mo kailangang magpakabugbog!” sabi ni Phoenix sakin na may halong galit at inis. Nasa isang hotel kami ngayon para magpalipas ng gabi. Wala akong balak na manatili na lang dito at hindi mapuntahan ulit si Amanda. Hindi ako mapapakali kung hindi ko siya makakausap ngayon. Mababaliw ako!
Nang makita ko si Amanda kanina ay hindi ko naiwasang makaramdam ng matinding kirot sa buong pagkatao ko. Seeing her looks like in a deep pain, I am already dying, damn it! It’s all my fucking fault! My fucking fault!
Sa loob ng apat na araw na hindi ko siya nakita para nang sasabog ang utak ko. Kaya nang makita ko siya kanina ay gusto ko siyang hilain palapit sakin para yakapin ng napakahigpit. Sabihin sa kanya na mahal na mahal ko siya at nangulila ako sa kanya ng husto. Humingi sa kanya ng tawad at magmakaawang balikan ako. Gustong-gusto ko siyang ikulong sa mga yakap at halik ko at ibigay lahat ng kaya kong ibigay para sa kanya. Para mapatawad niya ko. Para bumalik na siya sa buhay ko.
Damn! When I found her I felt like I live again. Nawalan ng kwenta ang buhay ko at para akong nawalan ng buhay nang mawala siya kaya nang makita ko siya kanina, bumalik ang pag-asa ko at nabuhayan akong muli. Parang panibagong pagsikat ng araw ang nasilayan ko at binigyan ako nito ng panibagong buhay.
“Saan ka pupunta?” tanong nila ni Caiden nang magpumilit akong tumayo.
Masyadong malalakas ang ibinatong suntok kanina ni Knight at ramdam na ramdam ko ang galit niya sa ginawa ko sa kapatid niya, alam ko na dapat lang iyon sakin kaya hindi ako lumaban. I deserve every punch he will give me. Kulang pa iyon for hurting Amanda. Kung kaya ko lang na saktan ang sarili ko ay ginawa ko na.
At hindi ko rin inaasahan na makikita ko si Knight kanina doon. Siya ang huling taong iisipin kong makakasama ni Amanda sa lugar na iyon. Akala ko si Timothy lang ang kasama ni Amanda doon at hindi ako mahihirapan na makausap si Amanda. Hindi ko inakala na nandoon ang kapatid ni Amanda.
Hindi sinabi sakin ni Caiden na nandoon si Knight. Kahit si Phoenix ay nagulat na malaman na nandoon pala ito. Bukod tanging si Caiden lang ang nakakaalam samin at wala siyang sinabi! Hindi ko napaghandaan ang pagkikita naming iyon.
Paanong nangyari iyon? Paanong magkasama sila? Alam ba ni Amanda na nandoon ang kuya niya kaya siya pumunta roon? Pero imposible hindi ba? Alam kong hindi alam ni Knight kung nasan ang kapatid at ayaw rin ni Amanda na makipagkita muna sa kapatid niya kaya paano? Alam ko na ang huling bagay na gustong mangyari ni Amanda ay ang malaman ng pamilya niya ang kalagayan niya kaya hindi niya gugustuhing malaman ng kapatid.
BINABASA MO ANG
Carrying The Billionaire's Baby (Book Three; Carrying His Love)
General FictionAmanda found out about Lucian's plan on having his revenge to their family by using her. Nalaman niya ang dahilan why she's carrying the billionaire's baby. Iyon ay para maiparamdam sa kanila ni Lucian ang sakit. Pero nagbago ang lahat nang matuto s...