Chapter Eighty One
Dance
[A/N: Annyeonghaseyo guyseu :) Pasensya na po hindi ako nakapag-update kahapon. Anyways. Maikling update lamang po ito. Sana magustuhan niyo pa rin po :)
Stay healthy guyseu. Let's be united with prayer to heal the world. Ingat palagi and God bless <3 Saranghaeyo <3]
***
Naging abala kami sa paghahanda sa kaarawan ng daddy. Kami ni mommy ang naging hands on sa pag-aayos. We already sent invitations for the evening party. Mas gusto nila ng mommy na may feels ng ball party where people can dance freely after talking with friends and colleagues. Kaya naman ang set up ay gagawin sa malaking bakuran ng mansion. Ang garden ng mommy ang magiging dance floor kaya naman mommy contacted artist to design the place. May pagka vintage para mas romantic ang ambiance ng place lalo na dahil nasa ilalim kami ng buwan sa gabing iyon. We are all excited for that.
Nang makauwi kami ni Lucian mula sa mga bakasyon namin ay naging abala na rin siya ulit sa trabaho niya.
Minsan ay hindi na siya nakakapunta samin ni Allu sa gabi dahil hanggang gabi ay nagtatrabaho siya. Tatlong araw bago niya kami nadalaw at sumunod noon ay naging abala na naman siya. Napag-usapan namin ni Lucian ang mangyayari sa birthday ng daddy. Lalo na ang pagpapakilala namin kay Allu.
"I'm sorry if we can't... tell yet the father of Allu." sabi ko sa kanya. Hindi pwedeng aminin sa lahat kung sino ang papa ni Allu. Magkakagulo. Ayaw naman mangyari ng daddy at mommy iyon. Masyado pang sariwa ang nangyaring isyu kay Lucian at Elysia.
Alam ko naman na mangyayari at mangyayari na pagkaguluhan ang katotohanang iyon sabihin man namin ngayon o hindi pero sa tingin namin hindi pa ito ang tamang panahon para roon. Maghihintay kami kung kailan pwede na.
"I understand, Amanda. Napag-usapan na rin namin ni Tito iyon." sabi niya. Napag-usapan na pala nila ng daddy iyon. Masaya ako na naiintindihan niya. Alam ko naman na talagang maiintindihan niya iyon.
Tumango ako sa kanya at ngumiti. Hinawakan ko ang kamay niya. "I am so excited and happy."
Hinawakan ni Lucian pabalik ang kamay ko at hinalikan iyon. Lumapit pa siya sakin at hinawakan ang isa kong pisngi. "But what's with the fear I can read in your eyes, Amanda?"
Bumuntong hininga ako. Hindi na ko magtataka na kaya na niyang basahin anuman ang nasa mga mata ko. Inihilig ko ang pisngi sa balikat niya. "I am worried about your family... I mean, to your parents."
Hindi ko alam kung paano ko bang sasabihin sa kanya ang mga alalahanin ko. Paano kapag bigla ay nagustuhan ng mga magulang niya si Allu? Paano kapag gumawa ang mga ito ng hakbang para makuha sakin ang anak ko? Alam kong hindi iyon malabong mangyari.
Hinawakan ni Lucian ang baba ko para iangat ang mukha ko sa kanya. "Anong ibig mong sabihin?"
Bumuntong hininga akong muli at umayos ng upo. "Makikita ng mga magulang mo si Allu. Sa tingin mo anong magiging reaksyon nila?"
Kita ko ang pagdaan ng lungkot sa mga mata niya pero naroon ang pang-unawa para sakin. "Natatakot ka ba na hindi nila magustuhan si Allu? O natatakot ka na baka magkainteres ang mga magulang ko sa anak natin?"
Napasinghap ako. May guilt na naramdaman sa huling sinabi niya. "I'm sorry..."
Hinalikan ni Lucian ang mga mata ko. Guilt for sure was written on my eyes. "My parents will love our son, Amanda. But I promise you, Amanda, hindi ako papayag na gagawa sila ng hakbang na kunin siya saiyo."
BINABASA MO ANG
Carrying The Billionaire's Baby (Book Three; Carrying His Love)
General FictionAmanda found out about Lucian's plan on having his revenge to their family by using her. Nalaman niya ang dahilan why she's carrying the billionaire's baby. Iyon ay para maiparamdam sa kanila ni Lucian ang sakit. Pero nagbago ang lahat nang matuto s...