Chapter Forty One

4.8K 146 14
                                    

Chapter Forty One

His Secret









[A/N: Annyeonghaseyo guyseu :) Sorry po kung sobrang late na nito. Gusto ko lang matupad ang pangako kong makapag-update ngayon para makabawi sa inyo :) Sana po magustuhan niyo pa rin po :) Continuation lang po ito nung nakaraang update.  Pagkakaayos lang nila Amanda :) Enjoy reading po :) Babawi po ako sa susunod. Mas mahaba na :) Maraming maraming salamat po :) God bless <3 Saranghaeyo  <3]









***


Lumipas ang ilang minuto simula nang huling text na iyon ni Lucian sakin. Kailangan kong kalmahin ang sarili ko para makausap ko si Lucian. 







Ang bigat bigat pa rin ng pakiramdam ko dahil sa nabalitaan ko. Noon pa man... ang tungkol sa babaeng iyon ang nagpapahirap sa kalooban ko dahil alam kong siya ang gusto ng mama ni Lucian para sa anak.







Lucian's mother will never approve me for his son. At nasasaktan ako dahil iyon ang pinakamahalaga para sakin. Ang pagpapatawad at pagtanggap ng mga magulang ni Lucian na alam kong mahihirapan akong makuha.







Bumuntong hininga ako at inayos ang sarili. Hindi pwede na dahil lang sa balitang ito ay maapektuhan ako. Na masasaktan na lang at magtampo na naman kay Lucian.







I promised myself and Lucian that I will be mature now in dealing with our problems. Hindi iyong basta na lang akong magdedesisyon na ikakasakit naming dalawa.







Siguro sa mga nangyari samin ni Lucian... Iyon ang isa sa natutunan ko. Na dapat maging mature na rin ako at maging understanding palagi sa relasyon naming dalawa. Para manatiling maayos kung ano mang mayroon kami ngayon ni Lucian.







Kinalma ko muna ang sarili ko bago na ko umakyat dahil ilang minuto ko nang iniwan ang anak sa kwarto.







Mabilis akong pumanhik sa itaas. Tulog na tulog pa rin ang anak ko sa kama. Bahagya akong nakaramdam ng guilt dahil iniwan ko ang anak na mag-isa.







Lumapit ako sa anak at hinalikan ito sa noo niya at bahagyang niyakap. "Mahal na mahal kita, anak. Pangako ni mama hindi kita pababayaan."







May nagbara sa lalamunan ko. Gusto kong maramdaman ni Allu ang pagtanggap ng mga magulang ni Lucian sa kanya. Ayokong pilitin ang mga ito na gustuhin at tanggapin ang anak ko dahil lang sinabi ni Lucian. I want them to love my son because they really love him.







Gusto kong ipagdamot ang anak para lang maprotektahan siya sa maaring manakit sa kanya. Sa maaring sabihin nila sa kanya. Gagawin ko ang lahat para sa anak ko. Para maalagaan at maprotektahan siya sa sasabihin ng iba sa kanya.







Pinunasan ko ang luhang tumulo sa pisngi ko. Natatakot ako na baka dumating ang araw na anak ko naman ang gamitin laban sakin. Laban sa relasyon namin ni Lucian.







Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nagkataong mangyari man iyon. Ayokong pumili.







Nang tuluyan akong makalma ay humiga ako sa kama at kinuha ang cellphone ko. Paniguradong tulog na si Lucian pero gusto ko lang siyang i-text.







Sa mga ganito kailangan kong tatagan ang loob ko. Na dapat huwag magbabago ang kung ano mang mayroon samin ni Lucian dahil lang sa mga issue na ganito.







Carrying The Billionaire's Baby (Book Three; Carrying His Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon