Chapter Fifteen
[A/N: Annyeonghaseyo guyseu :) Pasensya na po hindi ako nakapag-update kahapon. Maikli lang po ito pero sana po magustuhan niyo pa rin po :) Enjoy reading po :) Salamat <3 God bless <3]
***
Nagising ako na nasa loob ako ng isang kwarto at doon ko napagtanto na nasa hospital na pala ako. Hospital? Nagulat ako kung bakit ako nandito. Agad akong bumangon kaya napahawak ako sa ulo dahil sa kirot na naramdaman sa biglaan kong ginawa.
"Amanda..." pigil ni Kuya at hinawakan ako ni Kuya sa braso ko. Napatingin ako sa kanya. Nasa tabi niya si Timothy na parehas makikitaan ng pag-aalala. "Huwag ka munang bumangon." sabi ni Kuya.
"Anong ginagawa natin dito Kuya? Where's my baby?" nag-aalalang tanong ko. Kinabahan ako dahil hindi ko makita ang anak. "Nasan si Allu, Kuya?"
Sinubukan kong bumaba mula sa pagkakaupo sa kama pero pinigilan ako ni Kuya. "Amanda na kay Luciana si baby Allu. Baka maya-maya ay narito na sila kaya huwag mo munang alalahanin ang bata." sabi ni Kuya.
Napailing ako at sinuklay ang buhok gamit ang daliri bago bumuntong hininga. Ano bang ginagawa ko?
"Ayos ka lang ba, Shobe?" tanong ni Kuya. "Ayos ka lang ba, Amanda? Nawalan ka ng malay nang nag-uusap kayo kanina ni Cris." sabi naman ni Timothy.
Bigla kong naalala ang nangyari kanina. Nag-uusap nga pala kami ni Attorney na hindi ko alam nawalan na pala ako ng malay kaya ba dinala na nila ko dito sa ospital? "Nasan si Attorney, Kuya?" tanong ko.
Hinaplos ni Kuya ang buhok ko. "Kasama ni Luciana." sabi niya. Nakakahiya naman kay Attorney. Siguro dahil sa kulang ako sa tulog at kain kung bakit ito nangyari. Baka dahil sa kaiiyak ko rin kung bakit ako nanghina at nawalan ng malay.
Bumukas ang pinto at pumasok mula roon si Luciana buhat ang anak ko. May guilt akong naramdaman sa kabila nang katuwaan na muling makita ang anak na para bang ang tagal ko siyang hindi nakita. Kasunod niya si Attorney at si Phoenix. Hindi ko akalain na sasabihin din nila ito kay Phoenix.
"Amanda..." bati nila.
Lumapit sila sakin. Ngumiti ako sa kanila at hindi na inalis ang tingin sa anak. Bigla akong naguilty. What am I doing? Here is my son who needs me so much. Wala pang kamuwang-muwang ang anak. Kailangan niya ko kaya bakit ganito ang ginagawa ko?
Agad kong kinuha ang anak. Hinalikan ko siya at agad siyang umiyak. Namasa ang mga mata ko dahil para bang pati ang anak ay nangulila sakin. Binulungan ko ang anak ng mga sorry, pagmamahal at kasiguraduhan na nandito na ang mama niya. Unti-unti siyang tumahan hanggang sa makatulog ito sa mga bisig ko. That all my words made him secured and loved. Mas lalo akong naguilty sa mga ginagawa kong pagpapabaya sa sarili dahil napapabayaan ko na rin ang anak.
"Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong ni Attorney na mababakasan ang pag-aalala. Ngumiti ako kay Attorney at nahihiya dahil naistorbo ko pa siya. "Ayos lang ako, Attorney. Pasensya na."
Hinaplos ni Phoenix ang buhok ko at hinalikan ako sa tuktok ng uluhan ko kaya naman napabaling ako sa kanya. "Pinag-alala mo kami..." sabi niya na makikitaan nang katotohanan ang mga mata.
BINABASA MO ANG
Carrying The Billionaire's Baby (Book Three; Carrying His Love)
Ficción GeneralAmanda found out about Lucian's plan on having his revenge to their family by using her. Nalaman niya ang dahilan why she's carrying the billionaire's baby. Iyon ay para maiparamdam sa kanila ni Lucian ang sakit. Pero nagbago ang lahat nang matuto s...