Chapter Ninety Five (Last Chapter Part One)

10.5K 295 89
                                    

Chapter Ninety Five (Last Chapter Part One)

Tied









[A/N: Annyeonghaseyo guyseu :) This will be Lucian's POV :) Sana po magustuhan niyo ang POV ni Lucian baby dahil talaga namang nagustuhan kong isulat ito hehe. Pinaghirapan ni Owtor ito kaya sana po magustuhan niyo. Sinama ko po ang ibang mga scene sa past chapters at last update.

At pwede po bang iregalo niyo na kay Owtor ang isa pang Chapter last na iyon promise bago ang Epilogue hehe.

Muli, maraming maraming salamat po :) I can't wait to write the Epilogue. Soon. For now, please do enjoy the love of Amanda and Lucian 😍

Ingat po palagi. God bless mga bb 😙 Mahal ko kayo ❤]







***

[Warning: This is medyong SPG HAHAHA. Shocks! Sana mabigyan ko ng justice ang love making nila bilang mag-asawa HAHAHAHA. So ayun po. Pinaiyak na naman ako ng loving nila HAHAHA. Pagpasensyahan niyo na po. I am not really good at it. Lalo na POV ni baby Lucian ito hahaha.

18 Below... please skip that part. Maikli lang naman iyon haha. Enjoy :)]







[Lucian's POV]






Nasa meeting ako kasama ang mga architect at engineer na siyang may hawak ng isang subdivision na ginagawa namin.




Nasimulan na ang pagtatayo ng Subdivision, halos patapos na rin iyon. Fina-finalize na lang ngayong araw ang tungkol sa magiging launching nito at sa susunod na linggo ay dadalaw ako sa site para makita kung handa na ba talaga.




This is a commercial area where any person could afford. Para sa mga taong gusto ng magsimula ng pamilya, mga taong gustong magkaroon ng sariling bahay.




We are giving them a chance to own a home in its fair cost.




Hindi ko tuloy maiwasan ang mapangiti. Bigla kong naalala ang masayang pagtawag ni Amanda sakin noong graduation niya dahil sa regalo ko sa kanya.




Nasa kwarto ako sa bahay nang tumawag sakin si Amanda. Nakahiga ako at hinihintay talaga ang pagtawag niya kaya naman isang ring pa lang ay sinagot ko na. Alam kong tatawag siya. Ngayon lang ba niya nakita ang regalo ko?




O ngayon lang niya ko naalala? Napailing ako. Alam kong kasama niya ang mga kaibigan niya para sa selebrasyon ng pagtatapos nila ni Juana. Gustuhin ko mang pumunta ay alam kong mas makakabuti samin ang hindi muna magkita.




Ngayong alam kong tapos na siya... baka bigla ko na lang siyang dalhin sa simbahan o kahit saan mang munisipyo para lang pakasalan.




Alam kong nagkasundo na kami ni Amanda na maghihintay. Alam kong naging usapan na rin namin noon na kapag tapos niya saka kami magpapakasal...




Pero alam kong may tamang panahon para sa bagay na iyon. At sisiguraduhin ko na kapag handa na si Amanda na magsimula kaming muli... pakakasalan ko na siya agad. Para hindi na siya makawala sakin.




"Congratulations, Amanda!" bungad na bati ko sa kanya.




I am really so proud of my baby.




Alam naming dalawa na hindi dapat namin ginagawa ang pag-uusap o pagkikita namin pero minsan sa sobrang pangungulila ko sa kanya... ay handa akong labagin ang usapan naming dalawa makita o makasama ko lang siya kahit saglit.




Carrying The Billionaire's Baby (Book Three; Carrying His Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon