Chapter Ninety One

5.4K 207 89
                                    

Chapter Ninety One

Pagpaparaya







WARNING! THIS WILL BE THE LAST MADRAMANG UPDATE OF THIS STORY. YES. MADRAMA PO ANG UPDATE NATIN NGAYON PERO UMAASA PO AKO NA MAIINTINDIHAN AT KAHIT PAANO AY MAGUGUSTUHAN NIYO ANG MANGYAYARI SA UPDATE. KUNG HINDI PA PO KAYANG BASAHIN, YOU CAN SKIP PO MUNA AT SAKA NIYO NA LANG PO BASAHIN KAPAG TAPOS NA ANG KWENTO. PLEASE. OKAY LANG PO NA HUWAG NIYO NA PO MUNANG BASAHIN ITO.

PLEASE TULAD NG PALAGI KONG SINASABI, HUWAG PO MASYADONG DIBDIBIN ANG UPDATE NGAYON. PLEASE DO NOT BE SO AFFECTED. READ AT YOUR OWN RISK!

SO AGAIN. MARAMING MARAMING SALAMAT PO <3 INGAT PO PALAGI AND GOD BLESS <3]







***

Kinausap ng mga magulang ko si Kuya tungkol sa sinasabi nitong pagbabalik ni ate Iana. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanilang dalawa at bakit bigla na lang silang naghiwalay ng pagbabalik.




"Kailan mo pa itinago samin ang tungkol dito, Knight?" puno ng hinanakit at may kasamang galit na tanong ni mommy. "Paano mo naitago ang tungkol sa babaeng iyon?"




Kita ko ang matinding guilt sa mga mata ng Kuya. "Mom please... kailangan kong puntahan si Iana---"




"At ano? Tuluyan kang ipakulong?!" galit na putol ni mommy. Muntik nang makulong si Kuya kung hindi lang nagawan ng paraan.




"Goodness, Knight! Anong pumasok sa isipan mo at itinago mo na buhay ang anak na babae ng mga Griffin?" hindi makapaniwala ang mommy.




Napamura si Kuya at palakad-lakad na para bang hindi na alam kung anong gagawin sa sitwasyong ito.




"Kailan pa? Simula ba noong umalis ka rito sa bahay ay siya na ang pinagkaabalahan mo?" hindi maitago ang galit ni mommy.




Huminto si Kuya sa paglalakad. "Patawarin niyo ko, Ma. Hindi ko gustong itago sainyo---"




Hindi na napigilan ni mommy ang saktan si Kuya dahil sa ginawang pagtatago ni Kuya sa kanya. Pinigilan siya ni daddy. Lumapit ako kay Kuya.




"Ana huminahon ka..."




"Mom..." pigil ko.




"Huminahon? Pagkatapos ng nalaman ko? Goodness! Dapat lang na magalit ang pamilyang iyon dahil sa ginawa mo Knight!" galit na sabi ni mommy.




Alam ko na kaya siya nagagalit ay dahil nagawang itago ng Kuya si ate Iana kahit alam ni Kuya na kasawian iyon sa pamilya ni Lucian.




Hinarap ng mommy si daddy na kalmante lang sa mga sandaling ito. Nagtaka si mommy. "At ikaw, Alfonso, alam mo ang ginawang ito ng panganay mo? Alam mo hindi ba?"




"Darling, hayaan mong magpaliwanag kami ng anak mo..."




Napailing ang mommy sa sinabi ni daddy. Nagulat din ako na alam ng daddy. "At hinayaan mo na gumawa ng malaking pagkakamali ang anak mo?" hindi makapaniwalang sabi ni mommy. Galit sa nagawa ng daddy.




Nag-alala kaming lahat nang magsimulang umiyak ang mommy. Niyakap ng daddy si mommy pero nagagalit si mommy sa pagtatago ng daddy sa kanya. Nagulat din ako na alam ng daddy ang tungkol kay ate Iana at Kuya Knight.




Patuloy sa paghingi ng tawad si Kuya habang kinakalma ko at ni daddy ang mommy sa pag-iyak. Nang kumalma ang mommy ay pinagsimula niya si Kuya sa pagpapaliwanag.




Carrying The Billionaire's Baby (Book Three; Carrying His Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon