Chapter Seventy Five
Yes
[A/N: Annyeonghaseyo guyseu :) I'm really happy reading comments kaya salamat for making me know your reactions sa update and your suggestion. I really appreciate everything. Salamat sa patuloy na pagmamahal kahit napakatagal na nito. Sisikapin ko po na matapos na kaagad ang kwentong ito. Pasensya na po hindi ko nasunod ang timeline na sabi kong matatapos ko na siya. Sorry.
Salamat po ng maraming marami sa inyong lahat. Mag-iingat po kayo parati <3 Stay healthy po. God bless. Mahal ko po kayo <3]
***
Naramdaman ko ang pagpasok ng isang tao sa kotse ni Lucian. Nakatinginan kaming dalawa.
Bumuhos ang mga luha ko na hindi na napigilan.
Isang mariing mura ang pinakawalan niya. Agad niya kaming niyakap ni Allu.
"I'm sorry, babe. I'm sorry."
Umiyak ako ng umiyak sa dibdib niya. Siya bukod tanging sa lahat ng tao na nakakaalam ng nararamdaman ko. Nakakaintindi sa sitwasyon namin ni Lucian.
"Iuwi mo na kami, Phoenix. Hindi ko nakaya pang magtagal dito."
Nang pumasok na si Lucian at Elysia ay siya namang labas ni Phoenix para puntahan ako. Alam kong nalaman niya agad ang nangyari at nandito siya ngayon para sagipin ako sa sitwasyong hindi ko na alam ang gagawin.
Palagi siyang nandiyan para sakin. Para samin. Malaking tulong na nandiyan si Phoenix para sakin. Samin ni Lucian at ngayon para samin ng anak ko.
"I'm sorry, babe. Hindi namin alam na ganito ang mangyayari..."
Ramdam ko ang paghihirap niya. Na kahit siya hindi niya alam na ganito ang mangyayari. Na kahit siya ay nasasaktan para samin.
Tumango ako. "Naiintindihan ko naman..." sabi ko sa kanya. Masakit lang para sakin na kahit hindi na tama ang ginagawa nila, wala naman akong karapatang magreklamo dahil nasasaktan lang din naman sila.
Nagpakawala ulit si Phoenix ng isang mura. "Tita shouldn't have done this..."
Alam ko na kahit hindi totoo ang balita hindi naman nila masisisi ang tita nila. Ramdam ko na kahit si Phoenix ay hindi nagustuhan ang ginawa ng tita nila pero kahit sila ay naiintindihan kung bakit nito ginagawa ang mga ito.
Tumulo pa ulit ang mga luha ko. "Hindi ko siya masisisi. Hindi na dapat ako umasa na magkakaayos pa kaming dalawa..."
Humigpit ang yakap ni Phoenix sakin. "Alam na ni Lucian ang kung anong dapat gawin. Ang pasya niya ngayong gabi ang magiging pasya mo, Amanda."
Humiwalay ako kay Phoenix. Kita ko ang sakit sa mga mata niya habang pinupunasan ang mga luha ko. Kinabahan ako dahil pakiramdam ko alam ni Phoenix ang nasa isip ko. "Anong ibig mong sabihin?"
"Kapag hinayaan ni Lucian na manatili ang engagement na ito sa tingin ng lahat... ako na mismo ang makikiusap saiyo na layuan siya."
Umawang ang mga labi ko sa sinabi niya. Nadurog ang puso ko dahil alam ko na iyon ang dapat gawin. Hindi ako makapaniwala na maririnig ko ito. As if Phoenix knew my pain and he wants me to stop hurting.
BINABASA MO ANG
Carrying The Billionaire's Baby (Book Three; Carrying His Love)
General FictionAmanda found out about Lucian's plan on having his revenge to their family by using her. Nalaman niya ang dahilan why she's carrying the billionaire's baby. Iyon ay para maiparamdam sa kanila ni Lucian ang sakit. Pero nagbago ang lahat nang matuto s...