Chapter Twenty
[A/N: Annyeonghaseyo guyseu :) This is just a short update :) I hope you enjoyed reading :) Kamsahamnida <3 To my beshies, thank you so much for being a good friend <3 Thank you for loving me back hahaha. Love you mga beshie <3 I am happy that you are my friends <3 Mention ko kayo kasi alam kong binabasa niyo ito hahaha. Love you <3
And to all, enjoy reading :) Thank you for always staying with me <3 Mahal na mahal ko po kayo <3 God bless <3]***
Nag-ayos na si Lucian para lumuwas na ng Manila para puntahan ang mama nila ni ate Iana. Kahit nag-aagaw na ang liwanag at dilim ay bibiyahe pa rin siya ngayon. Alam kong hindi niya kayang hindi puntahan agad ang mama nila. Alam ko na nag-aalala na siya ng husto. Sa bawat kilos niya kahit hindi niya sabihin sakin alam ko puno siya nang pag-aalala kahit sinabi niya sakin na maayos naman daw ang kalagayan nito sabi ni Phoenix. Alam ko na nag-aalala pa rin siya nang husto.
“Babalik din ako agad,” sabi ni Lucian sakin nang yakapin ko siya mula sa likuran niya. Ngumiti ako sa kanya.
“Hindi mo kailangang bumalik agad, Lucian. Ang gusto ko maging maayos kayo ng mama mo, Lucian.” sabi ko sa kanya.
Hinawakan niya ang kamay ko at humiwalay sa yakap ko. Humarap siya sakin. “I have no grudge against mama,” sabi ni Lucian. “I just want her to understand us.” sabi niya.
Ngumiti ako sa kanya. “She will,” hinawakan ko ang kamay niya. “But we need to understand her too, Lucian. Hindi madali sa kanya na tanggapin tayo.” sabi ko sa kanya. Naiintindihan ko ang mama ni Lucian. I really do. “Kaya kailangan bigyan natin siya ng oras para maintindihan at matanggap niya tayo.”
Ngumiti si Lucian sakin. Kitang-kita ko ang pagmamahal sa mga mata niya at ang katuwaan niya. “Hindi ako nagkamali na ikaw ang minahal ko,” sabi niya. Natawa ako sa sinabi niyang iyon. “Aw. Natuwa naman ako. Salamat, babe.” sabi ko at inayos ang kwelyo ng polo niya. Yumuko siya at hinalikan ako nang malambing sa mga labi ko. “Mag-iingat kayo. Tatawagan kita…” sabi niya.
Ngumiti ako at hinaplos ang pisngi niya. “Huwag mo kaming alalahanin, Lucian. Kasama ko sila Kuya. Ang mahalaga makapunta ka ngayon sa mama mo,” sabi ko sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ang palad ko. “I love you,”
Napangiti ako at hinalikan siya. “I love you…”
Bago kami lumabas ay nilapitan ni Lucian ang aming anak. Hinalikan niya ito at kinausap. “Magpapakabait ka kay mommy hmm? Babalik din si Papa agad.” napangiti ako sa sinabing iyon ni Lucian sa anak namin. “Mahal kayo ni Daddy,” sabi niya. Napangiti ako lalo.
Lumabas na kami ni Lucian nang maayos na niya ang sarili niya. Wala naman siyang dadalhin na gamit dahil sa Manila siya pupunta, sa bahay nila. Nandoon naman lahat ng gamit niya.
Nandoon sina Kuya at Iana sa sala nang makalabas kami sa kwarto namin. Hinawakan ni Lucian ang kamay ko. Nagkatinginan kaming dalawa. Ngumiti ako sa kanya at tumango.
Nilapitan na namin sila. Nakabukas ang TV pero hindi naman sila talagang nanonood. They are both sitting in the couch. Nakasandal si ate Iana kay Kuya Knight habang nakayakap ang braso nila sa isat’isa. Mukhang nasa sarili na naman nila silang mundo habang nag-uusap sila. Nagkatinginan kami ni Lucian. Napanguso si Lucian. Natawa ako sa kanya dahil alam kong hindi pa rin talaga siya nasasanay. Si Kuya kaya ganito rin sakin? At kahit ayaw istorbuhin ni Lucian ang dalawa ay kailangan dahil aalis na siya.
BINABASA MO ANG
Carrying The Billionaire's Baby (Book Three; Carrying His Love)
Ficción GeneralAmanda found out about Lucian's plan on having his revenge to their family by using her. Nalaman niya ang dahilan why she's carrying the billionaire's baby. Iyon ay para maiparamdam sa kanila ni Lucian ang sakit. Pero nagbago ang lahat nang matuto s...