Chapter Two

2.8K 57 3
                                    

AC's POV

"Sige mauna na kami, iha, Pre.." paalam sa amin ni tito..

Tumango lang ako sa kanila.

"Bess, mauna na kami huh? Congratulations.." sabi niya saka niya ako niyakap.

"Sige.. Ingat kayo pag uwi huh?" paalala ko.

Agad naman siyang ngumiti bago sila tumalikod.
Napansin kong di pa umaalis si TJ. Nanatiling nakatayo siya habang nakapamulsa.

"TJ, bakit di ka pa umuuwi?" tanong ko.

Hindi siya sumagot at nanatiling nakatitig sa akin. Medyo naiilang ako sa titig niya.

"Ahm, mag-usap muna kayo mga anak. Pupunta na ako sa loob.." paalam ni dad..

Dugdugdugdug

Juiceko.. Kinakabahan ako..

Agad naman dumating yung katulong namin at tinulak na ang wheel chair ni dad.

Juiceko. Dalawa na lang kami dito..

"Ahm.. TJ,bakit di ka pa umuuwi?" tanong ko ulit..

Nagulat ako ng magbago ang expression ng mukha niya.. Ang sama na ng tingin niya sa akin.. Ano bang nagawa ko at ganyan siya makatingin?

"Don't call me, TJ.. You're not allowed to call me that.." seryoso niyang sabi.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Really? What's wrong with that? Ano bang meron diyan sa TJ na hindi ako pwedeng tumawag sa iyo ng ganyan?" taray kong tanong.

Mas lalong sumeryoso ang mukha niya..

"Do you really want to know? Girlfriend ko lang ang pwedeng tumawag sa akin ng ganyan.. Ngayon alam mo na kung bakit ayaw ko.. Kaya stop calling me TJ.." malamig niyang sabi.

Itinaas ko ng dalawang kamay ko na para bang sumuko na.

"Ok.. Ok.. Fine.. Big deal na pala sayo yun.. Hindi lang naman girlfriend ang tumawag niyan sayo.." sabi ko..

"Shut up! Just follow my command.." malamig pa rin niyang sabi.

Grabe.. Ganito pala ang lalaking to.. Ang ayos pa nito kanina nung nasa kusina kami tapos ito siya nagbago na ang mukha..

"Tss.. Whatever.." sabi ko tapos umirap.

Agad kong ibinaba ang mga kamay ko dahil nangangawit na.

"And, don't act like your my wife huh.. Porket pumayag ako ay sasamantalahin mo na. Di kita gustong maging asawa,ginawa ko lang yun dahil kay tito.." seryoso niyang sabi.

"I know.. Kailangan pa bang ulitin? Tss.." sabi ko..

Tumalikod naman siya sa akin pero bago pa siya lumakad lumingon ulit siya sa akin..

"Don't expect na tratuhin kita ng mabuti."yun lang ang sinabi bago patuloy na lumabas ng gate.

Biglang nanayo yung mga balahibo ko dahil dun sa sinabi niya. Nakaramdam ako ng takot.

Baka.. Baka.. Baka gagawin niya akong slave, sex slave. Baka pahirapan niya ako baka reypin niya ako, baka may masama siyang balak siya sa akin. Nabasa ko sa wattpad ang ganitong eksena na sasabihin ng lalaki dun sa girl na "welcome to hell". Tapos ayun pinahirapan niya ang babae.. Tinuturing na parang isang basahan lamang yung babae..

Gosh no! Ako magpapatalo? Tss.. Kahit bata pa ako marunong akong lumaban no! Ayoko magpatalo.

MARRYING THE HEARTLESS ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon