Chapter Twenty-Eight

2K 33 1
                                    

CATRIENA's POV

Nagising ako kinabukasan ng tumunog ang cellphone ko. Fvck! Istorbo sino ba to?
Kinusot ko muna ang mga mata ko bago tiningnan ang caller. Unknown tapos yung number taga ibang bansa.

Kunot-noo kong sinagot yung tawag.

"Hello." sagot ko.

[Hoy, gaga kanina pa ako tawag ng tawag pero hindi mo sinagot!]

"Sino ba to!" inis na tanong ko.

Kung makagaga to walanghiya.

[Ouch! Sakit naman nun! Iiyak na ako te! Huhuhu]

Bwisit! Ang arte.

"Sino ka ba? Magpakilala ka na nga!" inis pa rin na sabi ko.

[Bwisit ka! Si Yllona to gaga! Ang bilis mo namang makalimot. Huhuh]

Nanlaki ang mga mata ko. Oh no!

"Hehe.. Sorry naman. Di ka kasi nagpakilala agad eh." sabi ko

[Ganyan ka naman eh!]

Nahimigan ko ang pagtatampo sa boses niya. Arghh. May pagkachildish pala ang babaeng to.. Hahaha.

"Sorry na kasi. Bakit ka nga pala napatawag?" tanong ko.

[Wala namiss lang kita... Anyway umuwi na sila Rubie at Jolina diyan sa Pilipinas kahapon.]

"What? Bakit di nila ako tinawagan?" tanong ko.

[Tanungin mo. Haha. Sige ibaba ko na to, hinanap na ako ni Kier eh. Babye.. Ingat ka diyan.]

Mabilis naman nawala ang linya. Inilagay ko sa bedside table ang cellphone saka tumitig sa kisame. Hahays..

By the way si Yllona Mae Manuel yung tumawag sa akin kanina. Nasa Canada siya ngayon. Nakapag asawa kasi siya ng hot na hot na Canadian, si Kier Jebz Cloutier. Yllona is a model in Canada also. Dun talaga kami nagkakilala. Maging sina Rubie Jane Bucles at Jolina Mateo ay models din. Sila yung kasama ko nung down na down na ako dahil sa sakit na nararamdaman ko noon. Si Rubie ay may jowang artista na taga Canada din si Mikejohn Moore sikat na sikat yan maging dito sa Pilipinas. Tapos si Jolina Mateo ay ikakasal na next month kay Richard Landry ang pinakabata ang pinakamayamang businessman sa Canada. Oh diba ang ganda ng love story ng mga gaga. Minsan nga naiinggit ako sa kanila.

Napitlag ako ng tumunog ulit ang cellphone ko kaya tiningnan ko yun.

From: unknown

Wake up! Nasa labas ako.

Sino na naman kaya ito? Agad naman akong bumangon saka dumiritso sa bintana. Hinawi ko yung kurtina at nasilawan pa ako ng araw. Shit!

Biglang kumabog ang dibdib ko ng makita ang isang pamilyar na kotse sa harap ng bahay ko at nakasandal dun ang isang lalaki habang kumakaway sa akin. Shit!
Mabilis naman akong umalis sa may bintana saka dumiritso sa banyo para magligo.

Damn you Exceal!

Ano bang ginagawa ng lalaking yan dito! Nakaramdam naman ako ng init sa pisngi ng maalala yung halik niya sa akin kagabi. Shit!
Naalala ko na may anak na pala siya. Hindi naman ako tanga para hindi malaman yun. Kitang-kita ko na magkamukhang-magkamukha ang dalawa.

After kung maligo ay lumabas na ako para magbihis. Nakablack maong shorts ako na halos makita na ang singit and naka tuck-in ang v-neck white t-shirt ko. Inayos ko na rin ang mukha at buhok ko.

Kinuha ko yung cellphone ko ng tumunog ito. Sinagot ko naman iyon.

"Hello." sagot ko habang nagsusuot ng white rubber shoes. Didiritso kasi ako ngayon sa bahay ni Rubie.

MARRYING THE HEARTLESS ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon