Chapter Forty

1.7K 28 1
                                    

CATRIENA's POV

Dahan-dahan kong ibinuka ang mga mata ko ng makaramdam na para bang may nakamasid sa akin.

"Good morning."nakangiting bati sa akin ni Exceal habang nakahawak siya ng wine glass na may laman.

So siya pala yung kanina pa nakamasid sa akin.
Damn! Ang aga aga umiinom na ang gagong to. Dahan-dahan akong bumangon saka umupo sa kama.
Arghhh
. Nakahubad pala ako.

"Hey, ang aga aga umiinom ka." wika ko.

"Nauuhaw lang ako." sabi niya.

Tinaasan ko siya ng isang kilay.

"May tubig naman siguro sa baba hindi ba? Bakit di yun ang inumin mo?" tanong ko.

"Masarap kasi to eh!" nakangising sabi niya.

Inilapag naman niya ang wine glass saka dahan-dahang lumapit sa akin. Ngayon ko lang napansin na nakahubad pa rin pala siya. Nakita ko ang malaki niyang alaga kaya  napapikit ako. Arghh.

Binuksan ko ang aking mga mata ng maramdaman nasa unahan ko na siya.

"Bakit ba ang ganda mo, honey?" nang-aakit na tanong niya. Naaamoy ko yung wine na galing sa bibig niya.

"Sa lahi na namin to." pagmamayabang ko.

Dahan-dahan naman niyang inilapit ang kaniyang mukha sa akin. Mabilis niyang dinampian ng halik ang labi ko bago siya bumaba ng kama.

Dumiritso na siya sa banyo habang ako nakaupo pa rin.

*kriiiinggg.. Kriiiinng.. *

Nagulat ako ng tumunog ang cellphone. Kinuha ko yun sa bedside table.. Akin pala to hehehhe.

Si Meylein yunh caller kaya agad ko namang sinagot.

"Hello."

[Gagaaaaaaaaaa!]

Nailayo ko yung cellphone sa tenga ko dahil sa malakas na sigaw ng puta. Hehe. Charr lang. Agad kong ibinalik yung cellphone.

"Hindi ako bingi, gaga ka! Bakit kailangan pang sumigaw!" inis na sabi ko.

[Asan ka ba ngayon huh? Kahapon ka----Arayyy ano ba! Mamaya na ok! Kayo naman ang susunod ni--- Oh sayo na bwisit kayo!]

Mahina naman akong napahalakhak dahil sa inakto nila. I'm sure kasama nito si Jolina at Rubie.

[Hello, bes. Asan ka ba ngayon huh? Alalang alala na kami sayo dito.]

It's Rubie.

"Nasa malayo ako." tanging sagot ko habang hinimas himas ang aking sentido.

[Hoy, kahapon ka pa hinanap ni Rhys. Akala ko ba tinorture to ng ex mo, bakit wala man lang galos.]

Nakahinga naman ako ng marinig yun. Hays! Akala ko talaga tinuluyan na ni Exceal si Rhys.

"Mabuti naman kung ganun. Kung magtanong siya ulit may pinuntahan lang akong importante. Baka kasi namimiss na rin niya si Ethel." ani ko.

[Asan ka ba kasi?]

"Nasa----"

"Sweetheart, ikaw na ang sunod. Maligo ka na." sabi ni Exceal na kakalabas lang ng banyo. Bilis naman nito matapos.

[Oh my Gosh! Sino ang lalaking yun?-- Rubie may kasama siyang ibang lalaki? - - - manahimik ka muna Jolina Julie.. Anyway sino ba ang lalaking yun?]

Sasagot na sana ako ng magsalita si Exceal.

"Who's that?" malamig na tanong niya. Masama na rin ang timpla ng mukha niya.

MARRYING THE HEARTLESS ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon