Chapter Fifty

1.5K 30 2
                                    

AUTHOR'S POV

*blaagss*
*splassh*
*splassshh*
*boooggsshh*
*blaaggggg*
*boogsshh*

Yan ang maririnig nating lahat(hehe charroot).

Tapon doon tapon dito kalat doon kalat dito. Di nyo alam ang tinatapon niyo(halah! Kinanta niyo? Hahaha). Sige ito na seryoso na ako(seryoso naman talaga ako sa kanya siya lang itong nagloko. Charooot.).

Ito na. Go.

Tapon dito. Tapon doon. Basag dito. Basag doon. Tadyak dito. Tadyak doon. Yan ang maririnig natin sa buong hideout na tinambayan ni Exceal at ng mga kaibigan niya.

Habang ang lahat na naroon ay nanahimik na lang habang nakatingin sa kanilang kaibigan.

"Kristof, find ways kung saan dinala ang asawa ko at kapatid ko?!" pasigaw na utos  niya na agad namang sinunod.

"You Hans, call all your men." sabi niya'

"Bro, kumalma ka nga lang muna. Paano tayo makagawa ng plano kung nagwawala ka diyan."sabi ni Liam.

"Pano ako kakalma kung nasa panganib ang mag-ina at kapatid ko?! Buntis ang asawa ko at pano pag may ginawa sila sa kanya huh?! Kakalma pa rin ako?!" galit na sabi niya.

Magsasalita na sana si Hans ng bigla na lang tumunog ang cellphone ni Exceal.

Unregistered ang number.

"Hello." kalmadong sagot niya.

[Hong.]

Humigpit ang pagkahawak ni Exceal sa kaniyang cellphone ng mapagtanto kung sino ang salarin sa pagdukot ng asawa niya.

Kinalma muna niya ang kaniyang sarili. Hindi siya pwedeng magmukhang mahina sa pandinig nito.

" Carlos... Matagal tagal na rin ng hindi tayo nagkita." aniya sa malamig na boses.

[Wag kang mag-alala magkikita na rin naman tayo.]

"Kahit kailan talaga napakaduwag mo. Gumamit ka pa ng mga mahal ko sa buhay para lang pabagsakin ako. Ganun ka na ba kadesperado na patayin ako." nang-aasar na sabi niya pero hindi pa rin mawala ang pagdilim ng kaniyang mukha.

[Oo. Desperado na ako. Siguro ito lang ang tanging paraan para naman tuluyan ka ng mawala sa landas ko......Pero hindi ako ang kikitil ng buhay mo... Hindi na ako makapaghihintay sa labanang magaganap.]

"Wag mong gagalawin ang asawa at kapatid ko." madiin na sabi niya.

Mabilis namang nawala ang linya kaya malakas na inihagis niya ang kaniyang cellphone.

"Let's move." sabi niya sa kaniyang mga kaibigan

CATRIENA's POV

Pagkagising ko nakaramdam agad ako ng kirot sa ulo ko.

Natigilan ako ng makita kung ano ang posisyon ko. Nakaupo ako sa isang upuan habang nakatali ang aking mga kamay sa may likuran maging ang mga paa ko. Tinakpan rin ng packing tape ang bibig ko.

Nilibot ko ang aking paningin. Malaki ang silid na ito halos wala kang gamit na makikita. Tanging naglalakihang mga ilaw at maalikabok na chandelier ang nakasabit sa itaas. Nanlaki ang aking mga mata ng makita sa di kalayuan si Meylein na walang malay.

"Hmmmmm... Hmmmm..."

Pilit akong nagsasalita pero walang lumabas dahil sa packing tape na nakatakip.

"Oh gising na pala ang mahal na asawa ni Hong."

Napairap ako sa kawalan ng marinig ang pamilyar na boses galing sa aking likuran.

MARRYING THE HEARTLESS ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon