Chapter Five

2.1K 42 1
                                    

AC's POV

Napabalikwas ako ng bangon ng makarinig ng kalabog sa ibaba. Ano ba yun? Pagtingin ko sa may bintana ang dilim na pala. Bilis naman ng oras. Tiningnan ko yung wrist watch at natutop ko yung bibig ko ng mapagtantong alas 8 na pala.. Paktay!
Mabilis akong bumaba ng kama dahil magluluto pa ako ng hapunan. Shit! Napasarap ata ang tulog ko.

Nagulat ako sa pagbaba ko dahil sa nadatnan. Ang kalat dito sa sala.. Shit! Kakalinis ko lang kanina eh tapos ito na naman.. Sino ba ang may gumawa nito? Nakakabwisit naman!

"Damn! Bakit wala pang pagkain?!" rinig kong galit na boses ni Exceal galing sa kusina.

Mabilis naman akong pumunta sa kusina. Tiningnan niya ako ng masama ng tuluyan na akong makalapit sa kanya.

"Damn you woman! Bakit hindi ka nagluluto huh?! Asan ka ba galing?!" singhal niya kaya napaatras ako. Medyo natatakot ako pero, no, di ako pwede matakot.

"Kung gusto mong kumain bakit hindi ikaw ang magluto?" mataray kong sabi.

Nanlilisik ang mga mata niya na tumingin sa akin.

"How dare you bitch! Nakalimutan mo atang nasa pamamahay kita kaya wala kang karapatan na sagot-sagutin ako.?!" galit na sabi niya.

Tinaasan ko siya ng isang kilay.

"Bakit di ka kumuha ng katulong? Anong akala mo sa akin kasambahay mo?" palaban kong sabi.

*pak*

Nabigla ako sa ginawa niya. Inasahan ko na to pero akala ko kabaligtaran ang mangyayari.. Sa tanang buhay ko ngayon lang ako nakaramdam ng hapdi at pamamanhid sa pisngi ko. Nalasahan ko yung dugo dahil sa lakas ng sampal niya. Hinawakan ko yung pisngi ko saka tiningnan siya ng maigi.

"Kulang pa yan! Subukan mo lang magsumbong kay, Tito di ako magdalawang isip na gilitan ka." banta niya saka ako binangga at tinalikuran.

"Awwww!" daing ko dahil napasalampak ako sa sahig sa lakas ng pagkabangga niya sa akin.

Di ko namalayan na nagsibagsakan ang mga luha ko. Shit! Ni isa wala pang nanakit sa akin pero siya na hindi ko kaano-ano nagawa niya to sakin? Pano niya nagawa ito sa isang bata pa na katulad ko.

Agad naman akong tumayo saka nagsimila ng magluto para sa hapunan.

Ugh! Ang hapdi pa rin ng pisngi ko. Pero binalewala ko lang yung sakit na nararamdaman ko. Shit!
Bwisit! Magiging impyerno ang buhay ko nito sa loob ng bahay na ito. Di ko mapigilang humikbi ng maalala na naman yung nangyari kanina..

"May balak ka bang patayin ang sarili mo! Magsabi ka lang para naman ako na kikitil sayo." rinig kong sabi ni Exceal.

Nakaramdam ako ng hapdi sa may hintuturo ko. Shit! Bakit dumugo to? Ganun na ba ako kawala sa sarili para di namalayan kung ano na ang nangyari sa akin?.

Mabilis akong kumaripas ng takbo paakyat sa itaas para gamutin ang sugat ko. Shete talaga!

"Ang tanga mo, AC." sabi ko.

After kong magamot ang sugat ay bumalik na ako sa kusina pero nagulat na lang ako ng mapansing wala ng kalat sa mesa at tanging nakahain na mga pagkain ang nandun. Si Exceal ba ang nagluto nito? Ang galing naman pala niya.

"Uy bes nariyan ka na pala." narinig ko ang boses ni Meylein galing sa likuran konkaya agad akong lumingon dun saka sinalubong siya ng yakap.

Agad namang akong kumalas.

"Natikman mo na ba ang niluto ko?" tanong niya.

"Ikaw ang nagluto nito?" nagtatakang tanong ko.

MARRYING THE HEARTLESS ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon