Chapter Forty Seven

1.4K 23 2
                                    

CATRIENA's POV

"Ehem.." rinig kong tikhim ni Dea.

Tiningnan ko sila.

Nagtataka ako ng titig na titig sila sa akin at mahinang napalunok.

Problema ng mga ito?

"What's wrong?" tanong ko sa kanila saka sumubo na ulit ng fried chicken...

Nandito kasi kami ngayon sa Erizba Restaurant kumakain. Nakaramdam kasi ako ng gutom kanina kaya hininto muna namin ang pamimili at dumiritso dito.

"Ahm, hindi ka naman siguro patay gutom noh?" diritsong tanong ni Meylein.

Matalim ang ibinigay kong tingin sa kanya.

Napansin ko ring hindi pa nila nagalaw ang kanilang pagkain. Problema ng mga to?

"Mukha ba akong patay gutom?" mataray na tanong ko.

"Eh, kasi naman. Seriously? Pangatlong plato mo na yan eh!" sabi ni Meylein saka napakamot ng kaniyang ulo.

Tinaasan ko siya ng isang kilay.

"So, gusto mong sabihin na hindi na ako kakain, ganun? Hindi naman kayo ang magbabayad eh, ako naman." naiinis na sabi ko.

"Hindi naman sa ganun, bes. Eh, nagtataka lang kasi kami, before halos nga di na umabot sa kalahating pinggan ang kakainin mo." sabi naman ni Jolina.

"Are you pregnant?" tanong ni Rubie.

Nabuga ko naman ang kinain kong fried chicken dahil sa tanong niya.

"Eww.!"

"Yuck!"

"Gross."

"Grrr."

Sabay na sambit nila.

"Pano mo naman nasabi yan, Rubie?" tanong ko bago uminom ng juice.

"Diba kanina sumuka ka tapos ang sungit sungit mo, tapos iba yung pang amoy mo sa adobong baboy na niluto mo and then heto ang lakas-lakas mong kumain. Isa na yang symptoms once pregnant ang isang babae." nakangiwing wika ni Jolina.

Bahagya naman akong napaisip sa sinabi niya.

"Dinatnan ka na ba?" tanong ni Jenny.

Umiling naman ako.

"See? You're pregnant." sabi ni Jovelyn.

"Oh my gosh, magiging tita na ako!" masayang sabi ni Meylein.

May inabot naman sa akin si Dea. It's a pregnancy test. Tatlong pregnancy test.

"Try it." sabi niya.

"Oh no! Bakit may ganyan ka Dea? Don't tell me, may naka pasok na halimaw diyan sa lagusan mo?" tanong ni KC.

Bahagya namang namula si Dea sa sinabi niya.

"Well, yeah. Meron na nga. Kaya nga bumili ako kanina ng sampung pregnacy test para naman makasiguro ako. Umiba kasi yung pakiramdam ko kanina kaya bumili ako." sabi niya.

"So anong result?" tanong ni Jovelyn.

"Negative. Sumakit lang talaga ang ulo ko kanina dahil na rin sa ipinatrabaho ni Boss Trio. " sagot niya

Nakaramdam naman ako ng awa sa kanila. Ano bang pinapagawa ni Exceal sa kanila. Alam ko naman ang organization na tinutukoy nila dahil na rin noon sa pag explain sa akin ng asawa ko.

Mabilis naman akong nagpaalam sa kanila para pumunta sa restroom. Pagdating ko dun ay mabilis akong pumasok sa isang cubicle at dun ko tinatry kung totoo ba ang sinasabi nila.

MARRYING THE HEARTLESS ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon