Chapter Sixteen

1.9K 32 5
                                    

AC's POV

*kriinggg*
*kriinng*

Habang nagluluto ako ng aming agahan biglang tumunog ang cellphone ko.

From: Bal Meyl

Agad ko namang sinagot ang tawag niya. Ano ang kailangan ng babaeng to?

"Bal.. Napatawag ka?" tanong ko.

[Bal... Kamusta na?]

Kumunot naman yung noo ko. First time ata niya akong kinumusta ah? Kadalasan kasi sermon agad o kaya inaasar niya ako sa tuwing tatawag siya.

"Himala ata kinumusta mo ako.. Ano bang nakain mo ngayon?" nagbibirong tanong ko sa kanya.

[I'm serious, Bal..]

Nahihimigan ko na seryoso na ang boses niya.

"I'm ok... Bal. Wag kang mag-alala." masiglang sabi ko.

[Tell me, Bal. Sinasaktan ka ba ni Kuya?]

Natuod ako sa kinatatayuan ko. Fvck! Pa'no niya nalaman? Sino nagsabi sa kanya?

Damn!

[Bal..]

"H-hindi.. Teka sino ba ang nagsabi niyan sayo huh?" tanong ko.

[Bal, matagal ka na palang sinasaktan ni Kuya bakit di mo sakin sinabi?]

"That's not true.." diritso kong sabi..

Argghhh.. Sino ba ang nagsabi sa babaeng to.

[So nagsisinungaling lang sa akin si Rhys?]

Mapapatay ko talaga ang lalaking yun eh. Kalalaking tao ang tsismoso talaga..

[Bal, bakit di ka pa umalis diyan huh? Bakit ka pa nagtitiis kay Kuya?]

"I love your Kuya, Bal.. Mahal na mahal ko siya. Ewan ko nga kung bakit sa kabila ng ginawa niya ay nagawa ko pa siyang mahalin." sabi ko pero this time umiiyak na ako.

Nasasaktan ako sa tuwing maalala ang mga kademonyohang ginawa niya sa akin. Pero puso ang nagdikta at walang magawa ang isip. Mahal ko siya..

[Bal, in the first place you already know na hindi ka magagawang mahalin ni Kuya. Bal, nagiging martyr ka na.Kasal lang naman kayo sa papel. Almost 3 months ka ng pinapahirapan ni Kuya tapos nagawa mo pang mag stay diyan.]

"Sinasabi mo lang yan dahil wala ka sa sitwasyon ko ngayon. Ganun naman talaga pag magmahal hindi ba? Kaya mong magtiis para sa taong mahal mo. Na hinding-hindi ka susuko kung kaya mo pa.." umiiyak na sabi ko.

[Bal, Ilalabas kita diyan sa bahay.. Please tama na ang pagpaka martyr mo. Isipin mo naman yang sarili mo..]

Umiling-iling lang ako.

"Wag na, Bal.. Bigyan mo lang ako ng konting panahon. Kung di ko na kaya ay ako na mismo ang magpipirma ng annullment paper namin." saad ko.

Narinig ko naman ang mahina niyang buntong-hininga.

[Kailangan tong malaman nina Mom.]

Nanlaki naman agad yung mga mata ko sa sinabi niya. Ayokong madisappoint sila Tita kay Exceal. They trust him.

"Bal, don't.. Hayaan mo na lang kami ok.. Kaya ko naman ang sarili ko eh." sabi ko..

Yung mahina niyang buntong-hininga ay naging malakas na.

MARRYING THE HEARTLESS ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon