Epilogue

2.7K 40 3
                                    

CATRIENAS's POV

2 years later....

"Ayan, ang ganda po talaga ninyo, Ma'am. Bumagay po ang inyong make-up sa wedding gown niyo" puri sa akin ng personal stylist ko.

Napangiti naman ako ng makita ang sarilu sa salamin.

"Gorgeous." masiglang puri ko sa aking sarili.

"Hintayin lang po natin na dumating si Jenny na ihatid ang inyong susuoting sandals." sabi ng stylist ko.

Tumango na ako.

Dalawang taon na rin ang nakaraan ng mangyari ang krimen noon. Sa tuwing naiisip ko yun para bang kakainin ako ng takot. Yung mga panahon na nahihirapan na si Exceal sa kaniyang kondisyon. Muntik na nga niya kaming iwan sa mga panahon na yun. Pero naging himala at bumalik ang kaniyang heartbeat noon, wala talaga akong ginawa noon kundi pakiusapan ang mahal na panginoon na buhayin siya dahil di ko makakaya na mawala siya sa buhay ko. Maging ang anak ko ay akala ko iiwan na rin ako. Nang nakita ko kung pano mag flat line yung, halos gumuho ang mundo ko.

Nagpanic ako ng tumunog ang makina, naging flatline na ito.

"Baby, please. Gumising ka!" umiiyak na pagmamakaawa ko.

Pilit ko siyang niyugyog pero wala pa ring pinagbago.

"Nurse! Nurse! Nurse! Please, baby wake up! No.. Nurse!" pagsisigaw ko.

Nanghihina na ako.

Patakbo naman akong lumabas sa kwarto niya.

"Nurse! Doc!" sigaw ko.

"Catriena!"

"Cat!"

Di ko na pinakinggan kung sino ang tumawag sa akin. Patuloy lang ako sa pagtakbo hanggang marating ko ang station ng nurses.

"Nurse, please. Yung asawa ko! Please save him!" pagmamakaawa ko.

Natataranta naman agad sila saka patakbong pumunta sa room ng asawa ko.

"Ahhh!"

Napasigaw ako ng kumirot ang tiyan ko maging ang aking puson.

Pero binalewala ko yun dahil bumalik na ako sa loob. Napahagulhol ako ng makitang lumingon sa akin ang dalawang doctor at apat na nurse. Tingin na wala ng pag-asa. Agad naman silang lumabas

"No!" hagulhol ko saka mabilis na lumapit at niyakap ang aking asawa.

"Baby, wake up! Exceal, ano ba?! Gumising ka, Exceal! Please, wake up?!" sigaw ko habang niyugyog siya.

"Cat, please." rinig kong sabi ni Jolina.

"Bal, baka anong mangyari sa baby, niyo!" Meylein.

Umiling iling ako saka patuloy sa aking ginagawa.

"EXCEAL?!WAKE UP?!" umiiyak na sigaw ko. "Wake up, please. Kailangan ka namin ng anak mo. Parang awa mo na, gising!"hiyaw ko.

" Ahhhhh!"sigaw ko ng sumakit ang puson ko kaya napasalampak ako sa sahig.

" Catriena!."rinig kong sigaw ni Rubie saka lumapit sa akin.

Nakaramdam ako ng likido na dumaloy sa hita ko. Nanlaki naman agad ang aking mga mata at napasinghap sina Meylein at Rubie.

Baby No. Pati ba naman ikaw iiwanan ako.

"Oh my God, Bal." gulat na sambit ni Meylein saka tinakpan ang bibig niya.

"Dinudugo ka! Tawagin niyo yung boys, para madala si Cat sa Emergency Room!" natatarantang utos ni Rubie na agad namang sinunod ni Meylein.

MARRYING THE HEARTLESS ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon