Chapter Thirty-Two

1.7K 36 1
                                    

CATRIENA's POV

"Exceal, iuwi mo na kasi ako." sabi ko habang nagpapadyak. Para na nga akong bata nito na pilit humihingi ng permiso sa magulang.

Kanina pa talaga ako nagmamakaawa sa kanya. Oo na nagmakaawa ako sa kanya. Binaba ko muna yung pride ko baka mapapayag ko siya. Pagkatapos niya kasi akong iwan ay hinanap ko siya at ito natagpuan ko siya sa isang puno ng niyog habang nakaupo. Kanina pa siya hindi nagsasalita. Kanina ko pa siya kinukulit. Pero ayaw talaga ng hinayupak na ito. Pa hard to get pa ang mokong hindi naman bagay sa kanya.

"Exceal, sige na kasi. Ibalik mo na ako sa Manila." nakangusong sabi ko. Arghh.. Kainis naman eh.

"Umalis ka na. Bakit mo pa ako kinulit?" malamig na tugon niya.

"Arghh. Wala nga akong pera ok. Basta basta mo na lang kasi ako dinala dito kaya wala akong dala na kahit ano." nagtitimpi kong sabi.

"Problema mo na yun." sabi niya saka tumayo at naglakad palayo sa akin.

"Pa hard to get pa ang loko! Talo pa ang babae sa tinuran niya!" sabi ko. Sinadya ko talagang lakasan ang pagkasabi ko para naman marinig niya. Effective naman dahil lumingon siya sa akin.

"I'm not ok? Will you please stop acting like a child? It doesn't suit you." sabi niya saka naman tumalikod.

Agad ko naman siyang sinundan saka hinawakan yung braso niya.

"Sige na kasi. Iuwi mo na ako. Hinanap na ako ng anak ko. Please...please Exceal." nakapuppy eyes na sabi ko.

Ewwwss.. Nag 'please' ba talaga ako? Arghh kung hindi ko lang kailangan nunca na gagawin ko to.

Naramdaman ko na bumuntong-hininga siya.

"Make your own way." sabi niya.

Agad ko naman siya tinulak.

"Kung hindi ka naman gago! Tinapon mo yung cellphone ko! Kung hindi mo  ginawa yun, sana nandito na si Rhys ngayon para sunduin ako. Masyado kasing mak---hmmmmppp"

Damn! He kiss me. Jerk.

Pilit ko siyang tinulak pero hindi kinaya ng powers ko. Bakit ba ang unfair? Bakit malakas pa ang lalaki sa babae. Di ba pwedeng kami ring mga babae?

Agad naman siyang humiwalay.

"There. Stop mentioning his name when you're with me." sabi niya.

"I hate you, Jerk!" inis na sabi ko.

Nginisihan lang ako ng engkantong ito. Sinusumpa ko talaga ang lalaking to.

"Anyway, hindi mo ba namimiss ang anak mo? Kasi ako, miss na miss ko na ang anak ko." sabi ko.

Biglang nawala ang ngiti niya sa tanong ko.

"Of course, I miss her." sagot niya na nakangiti na naman. Mukhang baliw na talaga ang lalaking to. Kanina nakangiti tapos biglang nawala ang ngiti ngayon nakangit na naman. Tsk. Bahala siya.

"Namiss mo naman pala eh. Bakit di ka umuwi saka sabihin mong namiss mo siya? At ako naman uuwi ako sa anak ko dahil miss na miss ko na siya." sabi ko.

"Inaangkin mo ang batang hindi mo naman kaano-ano." sabi niya na nakapagpatigil sa akin.

"How did you know?" tanong ko.

"I have many sources." tanging sagot niya.

Tinaasan ko lang siya ng isang kilay.

"Kahit na hindi siya nanggaling sa akin atleast tinuring kong tunay na anak. Inalagaan, pinakain, pinaaral at minahal. Eh ikaw? Instead na samahan mo ang anak mo, nandito ka ngayon habang kasama ako. How pathetic! Mas inuuna mo pa ang ibang tao kesa sa sarili mong anak. "sabi ko ng dahilan para tumalim ang tingin niya sa akin.

MARRYING THE HEARTLESS ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon