Chapter Forty Two

1.5K 25 1
                                    

EXCEAL's POV

After two days nakalabas na rin ako. Dumiritso na ako sa bahay namin ni Catriena, nagbabakasakaling makita ko pa siya. Pagdating ko sa bahay sobrang dilim kaya binuksan ko yung ilaw.

"Cat!" tawag ko sa mahal ko baka naman sagutin ako.

"Catriena! Cat!" ulit na tawag ko pero wala man lang sumagot.

Dumiritso na rin ako sa kwarto namin pero wala dito sa Catriena. Shit!

Binuksan ko yung closet at bumagsak ang balikat ko dahil wala na ang mga damit niya dito.

Mabilis naman akong napaupo dahil sa frustration na naramdaman ko. Agad naman akong tumayo saka mabilis na lumabas at pumunta sa kusina. Kumuha ako ng tatlong bote ng beer saka bumalik sa sala.

I'm so sorry my wife. I'm so sorry.

Nang ilagay ko ang beer sa maliit na mesa di ko sinadyang masagi ang isang folder. Kinuha ko iyin saka binuksan.

Annullment paper. Pinirmahan na niya.

Pinunit ko yun saka itinapon sa basurahan.

I'm sorry wife. I'm sorry.

Agad naman tumunog yung cellphone ko kaya tiningnan ko.

It's Jaze who's calling me.

"Hello, bud." sagot ko.

[ Hindi pa nakaalis si Cat. Nasa bahay pa siya ni Rhys.]

Agad ko namang pinatay yung tawag. He's with Rhys.

Malamang tinaboy mo kaya na kay Rhys siya ngayon. sabi ng isip ko.

Pabagsak akong umupo sa sofa at tumingala sa kisame. Di ko namalayan na may luha na palang bumagsak galing sa mga mata ko.

Shit! Shit! Shit!

Kinuha ko ang cellphone ko saka tinext si Jaze.

To: Jazey

Kailan siya aalis?

Di pa umabot ng isang minuto tumunog ang message alert tone ko.

From: Jazey

Tomorrow, 9:30 A. M

Nang mabasa ko yun mabilis kong tinago ang cellphone sa bulsa ko saka pumasok na sa loob. Kailangan ko na munang magpahinga'

KINABUKASAN

"Where are you going, Kuya?" tanong ni Meylein sa akin.

Nagising ako kanina ng mapaniginipan ko si Catriena na may masamang nangyari sa kanya. Pumunta ako dito agad sa bahay dahil tinawagan ako ni Mommy. Until now di pa rin ako kinakausap ni Daddy. Naiintindihan ko naman siya.

" May pupuntahan lang ako." saad ko saka tiningnan ang relo.

It's already 8:46. Kailangan kong sundan si Catriena dahil ayokong mangyari sa kanya yung nasa panaginip ko. I will protect her kahit hindi niya ako nakikita.

Mabilis akong sumakay ng kotse saka pinaharurot iyon papuntang airport.

Ilang sandali lang nakarating na rin ako. Napansin kong kakababa pa lang rin ni Catriena sa isang kotse kasama si Rhys.
Damn! Agad naman akong bumaba sa kotse.

Hiniling ko sana na lilingon siya saka tumakbo papunta sa akin para yakapin ako at sasabihin niyang mananatili sa akin. Napatingin ako sa isang van na kakarating lang. Nakaramdam ako ng kunting kaba ng ipinuwesto ang van sa unahan ng kotse ko. Napansin kong may isang taong inilabas ang sniper sa may bintana. Tiningnan ko ang direksyon ng pulang dot at halos nanlamig ako...... Nakatutok ang pulang dot sa likuran ni Catriena.

MARRYING THE HEARTLESS ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon