AC's POV
Napangiti ako ng malanghap ko ang malamig na hangin dito sa labas. Matagal tagal na rin akong hindi lumalabas sa bahay. Magtatatlong buwan na rin. Mukha nga akong preso. Haha.. Pero ok lang.
Kinuha ko agad yung kotse ko dito sa garahe. Napansin kong inalikabok na ang labas. Damn!
Pumasok ako sa loob buti naman at maayos pa dito.
"Namiss kita." kausap ko sa aking kotse na para bang sasagot ito sa akin..
Pinaandar ko na ang kotse ko saka pinalabas ng garahi. Namiss ko ang magdrive. Hays. Marami akong namiss dito sa labas.
Sa tuwing dadaan ako marami ang nagbago sa paligid. Napapansin ko na may bagong itinatayong structure. Siguro mall to or market.. Meron nang mga vendors sa daan marami na ang bagong bahay.. Damn! Mukha akong naiignorante nito..
*FASTFORWARD*
Sa tuwing mamimili ako ng groceries kapansin-pansin ang nangungutyang tingin sa akin ng mga tao. Na para bang ngayon lang sila nakakita sa isang tulad ko. Ano bang problema nila? Binalewala ko lang sila.
'Ano bang problema ng babaeng to?'
'Hindi ba siya naiinitan diyan sa suot niya?'
'Oo nga.'
'Ang init init ng panahon ganyan ang suot niya.'Dun ko lang nalaman kung bakit iba ang tingin nila dahil pala sa suot ko. Do you want to know what my suit now?
Nakajacket lang naman ako ng kulay itim tapos nakapajama ako. Ang weird ba ng suot ko? Well, ito lang ang tanging paraan para matakpan ang mga sugat at pasa ko.
Aabutin ko na sana yung sardinas ko sa itaas kaso di ko talaga maabot eh. Arghh.. Pilit kong inabot pero wala eh. Talon lang talaga ako ng talon. Tss.. Kainis.. Hindi naman ako maliit sadyang mataas lang talaga yung pinaglagyan.. Tss.. Sino ba ang naglagay nito? Gigilitan ko talaga.
Aabutin ko na sana ulit ng may kamay ang kumuha sa sardinas na gusto kong kunin.
"You can ask help with someone here. Don't force yourself to get that sardines if you think you can't do it." sabi ng isang lalaki.
Mabilis naman akong lumingon sa nagsalita.
Oh? Isa to sa kaibigan ni Hubby. Charoot hubby.. Haahah. Yung manyakis to eh.
"Oh. Hi! Diba ikaw yung maid ni Trio?" gulat na tanong ng lalaking to.
Kumirot yung dibdib ko sa salitang 'maid' na sinabi niya.
"Ah.. Y-yeah... Ako nga.." sabi ko habang peke siyang nginitian.
"By the way I want apologize what said earlier dun sa bahay ni Trio.." nakangiting sabi niya.
"Hehe.. Ok lang." sabi ko.
Mabait naman pala ang monggol na'to.
"Baka na offend kita sa sinabi ko. I'm sorry talaga." sabi niya..
Natatawa ako sa inaakto ng lalaking to.
"Ahm.. I'm Hans pala. Hans Crozeer." pagpapakilala niya.
"AC.." pagpapakilala ko.
"AC stands for?" tanong niya'
"Aiko Catriena.." sagot ko.
"Beautiful name." sabi niya..
Nang-init naman agad ang pisngi ko sa sinabi niya.
"You're beautiful. Oh by the way I have to go. I'm sure my wife will going to eat me if ever wala pa ako sa bahay. Haha. Kidding. Sige nice to meet you." paalam.
BINABASA MO ANG
MARRYING THE HEARTLESS ONE
RandomHello, everyone! Welcome to my story.. I hope you'll read this one.. Please keep on supporting guys. Thank you. Date Started: September 30, 2018