AC's POV
"Rhys..." sambit ko sa pangalan ng taong matagal ko ng hindi nakakasama.
Sinuri niya muna ako bago siya magsalita.
"Catriena.." sabi niya saka lumapit sakin at mahigpit niya akong niyakap kaya niyakap ko rin siya pabalik.
Ilang saglit kumalas na kami sa isa't isa. Shit! Mas lalong gumwapo ang lalaking to. Tumangkad.
"Kamusta ka na?" tanong ko.
"I'm totally fine. How about you? I heard that you're already married.. Do you mind to share it?" Rhys.
"Ahmm.. Ano pala ginawa mo dito?" tanong ko para maiba naman ang topic.
"Dito na ako nag-aral." sagot niya.
"Talaga? Bakit ngayon lang kita nakita?" nagtatakang tanong ko.
"Kakapasok ko lang kasi ngayon." sagot niya.
Tumango-tango lang ako.
"Anong section ka?" tanong ko.
"Nasa Section 2 ako." sagot niya.
"Dito ka ba sa canteen?" tanong ko ulit.
"Nope. Sa Principal's office ako. Napadaan lang talaga ako dito." sagot niya.
Naiilang ako ng titigan niya ako ng maigi.
"Bakit namamaga yang pisngi mo?" kunot-noong tanong niya.
Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. Fvckshit!
"Ahmm.. Sinampal ko to kasi naman naiinis ako sa sarili ko. Wala akong mapagbuntungan ng inis kaya sarili ko na lang." pagsisinungaling ko. Buti naman hindi ako nauutal sa pagsagot.
Tumango-tango naman siya.
"Ok.. Sige.. Sabay na tayo mamaya paglabas." sabi niya.
"Wag na.. Magmamadali kasi ako mamaya eh. May kailangan pa kasi akong gawin." sabi ko.
"Sige.. Sa susunod na lang.." sabi niya saka tumakbo papunta sa direksyon ng Principal's Office.
"Sino yun?" tanong ni Meylein.
"Kanina ka pa ba diyan?" tanong ko.
"Kakarating ko lang.. Ang pogi nun. Sino ba yun?" tanong niya.
"He's Michael Rhys Soriano." sagot ko.
"Ahh.. Kaano-ano mo siya?" tanong naman niya.
Bumuntong-hininga muna ako bago sumagot.
"He's my bestfriend in States and also my ex-boyfriend." sagot ko.
Nanlaki naman yung mga mata niya sa sinagot ko.
"Really?!" gulat na tanong niya.
Tumango-tango lang ako. Nagsimula na kaming maglakad pabalik sa classroom.
"Oh, bakit nagkahiwalay kayo?" tanong niya.
"Dahil ayaw sa kanya ni Daddy.." sagot ko.
"What? Why?" tanong niya ulit.
"Rhys was a gangster before. Nung pinakilala ko siya dati kay Daddy ay boto pa siya pero kalaunan may nagsabi kay dad na gangster daw si Rhys. Kaya ayon pinahiwalayan niya baka daw kasi madamay pa ako sa mga gulo na kinasasangkutan niya. Then, yun nga ginawa ko. After that, I heard that he quit already to his group tapos bumalik siya ulit sa akin pero sabi ko sa kanya baka malaman ni Daddy.. He said na haharapin niya ang Dad. Natatakot ako dun sa desisyon niya pero wala na akong nagawa nung pumasok na siya. But, hindi na pwede dahil may asawa na daw ako. Natatawa nga ako dun dahil walang ipinakilala sa akin si Daddy na mapapangasawa ko.. Hindi talaga ako naniniwala. But days passed bumalik kami dito sa Pilipinas at yun yung Kuya mo na naging asawa ko na. "mahaba kong kwento sa kanya.
BINABASA MO ANG
MARRYING THE HEARTLESS ONE
De TodoHello, everyone! Welcome to my story.. I hope you'll read this one.. Please keep on supporting guys. Thank you. Date Started: September 30, 2018