CATRIENA's POV
Iminulat ko ang aking mga mata dahil nakarinig ako ng ingay mula sa labas. Babangon na sana ako pero naramdaman kong may mabigat na kung ano ang nakapatong sa tiyan ko. Nilingon ko ang may-ari nun and I saw Exceal na payapang natutulog.. Narinig ko pa ang mahina niyang hilik kaya mahina akong natawa.
Tinitigan ko ng maigi ang mukha niya.
He's so fvckin handsome. Mukha siyang isang anghel kung natutulog pero pag gising naman talo pa si Lucifer. Hays.
Nanlaki ang mga mata kong nang magmulat si Exceal.
"I'm already melted, sweetheart." sabi niya.
Naramdaman kong uminit ang pisngi ko kaya umiwas ako ng tingin. Niyapos naman niya ako ng mahigpit saka niya isinubsob ang mukha niya sa dibdib ko.
"Kanina ka pa ba gising?" tanong ko.
"No. Nagising lang ako kasi naramdaman kong parang may nakamasid sa akin kaya nagmulat ako. And I am happy na tinitigan mo ako." masayang sabi niya.
"You're so handsome when snoring." sabi ko.
"Thank you." sabi niya.
Tiningnan ko yung suot niyang relo. And it's already 12 noon.
"Hey, get up! Hindi pa tayo naglunch, baka nagugutom na ang mga bata." saad ko.
Sa halip na makinig mas lalo lang niya akong niyapos ng mahigpit.
"5 minutes, Honey." sabi niya sa paos na tono.
"Anong 5 minutes? Magluluto pa ako ano ba?" saway ko sa kanya. Pilit kong tinatanggal yung mga braso niya sa bewang ko pero mas lalo niyang hinigpitan. Kaya ang ginawa ko nagpaubaya nalang. Wala eh! Mas malakas ang tsonggo.
"Inutusan ko na ang mga tauhan ko dun. Actually kanina pa sana tayo kakain kaya lang comfortable ako sa posisyon natin kaya di na muna kita ginising."sabi niya.
Umirap lang ako sa kawalan.
" Gugutumin mo ba ako? "tanong ko.
" Of course not."mabilis na sabi niya saka ako tiningala.
"Kakain na kasi tayo, nagugutom na ako eh." nakangusong sabi ko.
Binitawan naman niya yung bewang ko saka mabilis na bumangon. Sumunod na rin ako sa pagtayo.
"Let's go." nakangiting yaya niya.
Lumapit naman ako sa kanya saka ako inakbayan at sabay na kaming lumabas ng kwarto.
"Waaahh!" hiyaw ko.
Binuhat lang naman ako ng gunggong na ito.
"Bakit ba ang hilig mong mambuhat? Mamatay ako sa gulat sayo eh!" inis na sabi ko.
Humagalpak naman siya ng tawa na mas lalong ikinakulo ng dugo ko.
"Put me down." madiin na pagkasabi ko para sundin niya ako.
Ang gago umiling lang.
"Ibaba mo ako!" inis na sabi ko.
"No. I love carrying you." nakangiting sabi niya.
"Di ba ako mabigat?" tanong ko.
Umiling lang siya.
Hinayaan ko na lang siya sa kanyang gusto. Buhat-buhat pa rin niya ako pagdating sa kusina.
"So sweet, Mommy!"tili ni Ethel habang hawak ang kaniyang teddy bear.
Napansin ko ang pagbalatay ng lungkot sa mga mata ni Camille dahil sa kaniyanh nakita.
BINABASA MO ANG
MARRYING THE HEARTLESS ONE
RandomHello, everyone! Welcome to my story.. I hope you'll read this one.. Please keep on supporting guys. Thank you. Date Started: September 30, 2018