CATRIENA's POV
Naalimpungatan ako ng makaramdam ng mainit na hangin sa aking leeg. Argh. Nakikiliti ako kaya naman tuluyan ng bumukas ang mga mata ko. Nanuot ang ilong ko ng mabangong amoy ni Exceal.
"Hmm." ungol ko ng sipsipin niya ang leeg ko.
Mabilis ko naman siyang itinulak ng mapagtanto kong hindi pa ako nakaligo. Baka may laway pa sa gilid ng labi ko.
Napansin ko ring nakabihis na siya at halatang bagong ligo na rin.Kumunot yung noo niya sa ginawa ko.
"Why?" nagtatakang tanong niya.
Instead na sagutin yung tanong niya ay mabilis naman akong tumayo saka patakbong pumasok sa banyo.
Shit!
Binuksan ko na agad yung shower. Shit! Ang lamig naman.
"Sweetheart! Hihintayin na kita sa labas." rinig kong sabi ni Exceal.
"Ok." sagot ko
Minadali ko na ang pagkalinis ng aking katawan dahil sa nalalamigan na ako ng tubig.
"MAMA! Swimming daw tayo ngayon sabi ni Daddy!" masiglang sabi ni Camille.
"Where's your dad?" tanong ko.
"Nasa beach na po sila. Hindi po muna kami sumama ni Ethel dahil hinihintay ka namin." nakangiting sabi ni Camille.
Napansin ko ring ready to swim na ang mga ito dahil pareho na silang nakabikini suit.
"Mommy, yan po ba ang isusuot mo?" tanong ng anak ko.
Napangiti naman ako. Nakasuot kasi ako ng pajama and white shirt.
"Hindi. Hintayin niyo lang ulit saglit ako, huh? Magbibihis lang ako." sabi ko saka mabilis na tumalikod.
Pagdating ko sa kwarto hinalungkat ko agad ang dala dala kong bag para kunin ang kulay pulang two piece. Hinubad ko na ang suot ko saka pinalitan nitong two-piece. Malapad ang ngiti ko ng makita ang aking sarili sa salamin.
"Pak! ang sexy mo talaga, Cat." mayabang na sabi ko.
Kaya nga kadalasan ng minomodel ko ay all bikinis tapos underwear and bra. Masyado kasing maganda ang katawan ko kaya there are many agencies offers me to be their model.
Mabilis ko namang kinuha ang manipis na robe saka isinuot ko yun and I wear my sunglass saka lumabas na ako ng kwarto.
"Wow! Ang ganda mo po, Mama!" manghang sabi ni Camille..
"Thank you, baby." sabi ko.
Niyaya ko na silang lumabas. Nakahawak sila sa magkabilang kamay ko. Nasa kanan ko si Camille habang sa kaliwa ko naman si Ethel.
Sa tuwing dadaan kami mapapansin kong manghang-mangha sila sa akin.Is that Catriena?
Yeah, she's the famous model in Canada, right?
I envy her.
Binalewala ko lang ang mga sinabi nila.
"Miss Cat, cak we take a photo, please." sabi ng isang batang foreigner.
Tumango naman ako saka nagpose na ako.
Sino ba naman ang hindi mahuhumaling sa gandang taglay ko. Tinakpan ko pa nga lang ng robe pano pa kaya kung hinubad ko na ito, I'm sure luluwa lahat ng mga mata niyo. Hahaa. Mahangin na ba? Di wow, pagtiisan niyo na ako.
After that, ay nakalabas na rin kami. Medyo mainit na rin.
"Mommy, mauna na po muna kami ni Camille dun kina Tito Exceal." paalam ni Ethel.
BINABASA MO ANG
MARRYING THE HEARTLESS ONE
RandomHello, everyone! Welcome to my story.. I hope you'll read this one.. Please keep on supporting guys. Thank you. Date Started: September 30, 2018