EXCEAL's POV
Alam kong mali lahat ng ginawa ko sa kanya. Wala na akong ibang paraan para ipalayo siya sa kapahamakan. Kung alam niyo lang kung gaano ko siya gustong yakapin at halikan.
When she left me, I kept myself drowning many drinks. Iniisip ko palagi kung ano na ang ginagawa niya, kung nakalimutan na ba niya agad ako. Damn!
Ng di ko makaya, gumawa ako ng paraan para makita ko siya kahit malayo. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko siyang masaya. Na para bang hindi niya na ako matandaan. Oo, palagi ko silang nakikita ni Rhys na magkasama.
Sa mga oras na nagmumukmok ako si Krysten ang laging nasa tabi ko. Hanggang sa dumating ang araw na may nangyari sa amin na nagbunga naman. Kaya di ko pwedeng takasan ang responsibilidad ko bilang ama ng dinadala niya. So I plan na pakasalan ko si Krysten. Actually, I'm just using Krysten laban sa dalawang taong dahilan ng lahat ng ito. I know naman na mahal ni Carlos si Krysten. Naging loyal sa akin si Krysten. Lahat ng information na nakuha niya kay Carlos ay ibinigay niya sa akin. She didn't know that I'm just using her. Madali ko lang naman napaikot ang ulo ng babaeng yun. Simpleng 'I love you' ko lang ay naniwala naman siya agad. There's a time na nagtanong si Carlos about sa relationship namin ni Krysten, and she said na meron nga. Pero sinabi niya kay Carlos na ginamit niya rin ako para naman daw kapani-paniwala.
Si Krysten ang ginawa kong model dito sa agency ko. Dahil sa may pupuntahan siya ibang bansa kaya nagpakadesperado akong kunin si Catriena bilang model ko. I'm happy na pumayag yung manager niya.
Pero laki ng pinagbago niya. Nagiging isang estranghero na ako sa paningin niya. Kasalanan ko naman kung bakit naging ganun siya eh.
But, I won't give up. I'm going to get her from Rhys.
*kriing.. Kriing.*
Tiningnan ko kung sino yung caller.
It's Krysten.
"Hello."
[Babe, I'm glad that you answer my call. How are you?]
"I'm good. You there?" tanong ko.
[Of course. By the way asan ka? Si Camille kamusta siya?]
"I'm on my way pauwi ng bahay. Ok naman siya." sagot ko.
[Babe, I'm sorry pero kailangan kong mag extend ng 2 months dito sa New York. Marami pa kasi akong aasikasuhin.]
"It's ok. I understand." sabi ko.
[And oh! Bago ko makalimutan Carlos talked to me last night. Uuwi na daw siya ng Pilipinas. Kaya mag ingat ka diyan huh! Yung anak natin.]
Oh, babalik na pala ang lalaking yun.
"Ok. Don't worry I can handle myself. I will protect our daughter."
[That's good to hear. I need to hang up. Just send my I love you to Camille. And also I love you, babe.]
"Ok." tipid kong sabi saka pinatay na ang tawag.
Di ko namalayan na lumagpas na pala ako sa bahay ko. Damn!
Inatras ko yung kotse ko saka binusina para marinig ng mga katulong. Ilang saglit bumukas ito kaya pinasok ko na ang aking kotse. Pagkatapos kong ipasok sa garahe ay pumasok na ako sa loob.
Di pa ako nakapasok sa loob ay nakarinig na ako ng ingay na para bang nagkasayahan kaya nagmamadali akong pumasok.
"Daddy!" masayang sabi ni Camille saka tumakbo at nagpakarga sa akin.
BINABASA MO ANG
MARRYING THE HEARTLESS ONE
RandomHello, everyone! Welcome to my story.. I hope you'll read this one.. Please keep on supporting guys. Thank you. Date Started: September 30, 2018