EXCEAL's POV
Habang nagmamaneho ako agad naman may tumawag sa akin. Unregistered number.
Sinagot ko pa rin."Hello, who's this?" tanong ko.
[Goodbye, Mr. Hong]
Magsasalita na sana ako ng biglang pinatay sa kabilang linya. Shit!
Weird.
Pepreno na sana ako para umikot sa kabilang daan nagulat na lang ako ng hindi nagfunction ang yung brake. Damn it! Kahit anong gawin ko pero hindi pa rin siya gumana.
No. Shit! Hahanapin ko pa ang asawa ko.
Nawalan na ako ng pag-asa ng makarinig ng malakas na busina ng isang track. Pumikit na ako habang inalala ang mukha ng asawa ko.
Naramdaman ko ang malakas na pagbangga ng aking sasakyan kaya naman nauntog yung ulo ko sa isang matulis na bagay. Narinig ko pa ang pagkawasak ng kotse ko. Hindi ko na rin maibuka ang mga mata ko. Pilit kong ibuka ang mga mata ko hanggang sa magtagumpay ako. Nakita ko ang malakas na pagdaloy ng dugo galing sa ulo ko. Naging blur na rin ang paningin ko. Naramdaman ko rin ang sakit na dumaloy sa katawan ko. Fvckshit!Nakarinig ako ng busina ng maraming sasakyan galing sa labas.
Dahan-dahan kong ipinikit ang mga mata ko habang sariwang sumagi ang magandang imahe ng aking asawa.
"Wife baby, I love you."
And everything went black..
2 YEARS LATER...
Iminulat ko naman agad ang mga mata ko. Naging malabo pa ang paningin ko.
"You're awake."
Naguguluhan ako ng makarinig nang nag-uusap. Nang tuluyan ng malinaw ang paningin ko nakita ko agad ang pagkataranta ng mga tao sa paligid ko.
"Oh, honey, you're awake." mangiyak-ngiyak na sabi ng babae saka niyakap ako at nakaramdam naman ako ng sakit ng katawan. Mabilis ko siyang itinulak.
"Honey." nalulungkot na sabi niya.
"Who are you?" tanong ko.
Natahimik naman siya sa sinabi ko maging ang mga kasamahan niya. Who are they?
"It's me. Krysten. Krysten Samantha Valdez your girlfriend." pagpakilala niya.
Tiningnan ko siya ng masama. Sumagi agad sa isip ko ang mukha ng asawa ko. Kaya nanlaki ang mga mata ko saka sinuyod ang tingin sa buong kwarto.
"Where's my wife?" tanong ko.
"Wife? You have no wife anymore, honey. I'm your girlfriend." sabi ng babae.
I glared at her.
"Shut the fvck up! I don't know you." inis na sabi ko.
Natameme naman si... si... Sino ba ulit pangalan niya?
"Catriena, my loving wife. Where is she?" tanong ko ulit pero walang sumagot.
Agad namang bumukas ang pinto, ngingiti na sana ako na baka si Catriena yung pumasok pero di pala kaya naman bumagsak ang balikat ko.
Dalawang lalaki ang pumasok.
"Hey, bro. I'm glad that you're awake." sabi nung lalaki.
"Pano ba yan? Magpaparty ka ba?" tanong nung isa pa.
"What are you talking about? Kung makapagsalita kayo parang magkakaibigan tayo. I don't know you." seryosong sabi ko ng dahilan para mawala ang ngiti sa mga labi nila.
BINABASA MO ANG
MARRYING THE HEARTLESS ONE
RastgeleHello, everyone! Welcome to my story.. I hope you'll read this one.. Please keep on supporting guys. Thank you. Date Started: September 30, 2018