AC's POV
"I'm sorry wife if I hurt you badly." umiiyak na sabi ng asawa ko.
Agad naman nagsibagsakan ang mga luha ko dahil sa sinabi niya. This is the first time na ginagawa niya to sa harapan ko.
Nagsisi na ba siya? Nagbabago naba siya?
Hinawakan ko naman yung mukha niya.
"Ssshhh.. It's okay. It's okay.. Kalimutan na natin yun." nakangiti kong sabi.
Nginitian naman niya ako pabalik saka niyakap ng mahigpit.
"I'm sorry. Mahal na mahal kita, wife. Ayoko lang na aminin sayo.. Please believe me, mahal na mahal kita." humihikbing sabi niya.
Humagolhol ako dahil sa inamin niya. Ito ang panahon na hinihintay ko na sabihin niya sa akin na mahal ko siya.
"Mahal na mahal din kita, Exceal asawa ko." sabi ko.
Kumalas naman siya sa pagkayakap sakin saka ako siniil ng halik na buong puso ko namang tinugon..
Sana hindi na magbabago to. Sana patuloy na ito.. Sana palagi na siyang ganito. Sana-----
*Krriinggg... Kriiinnggg... *
Naimulat ko naman agad ang mga mata ko at bumungad sa akin ang madilim na silid. Hinanap ko kung nandito ang asawa ko pero wala.Binuksan ko yung lampshade dahil nasa bedside table ko yung cellphone ko na tumunog.
Mapakla naman akong matawa ng maalala ang aking panaginip. Sa panaginip ko lang makikita ang asawa ko na aking minahal at minahal ako. Sana naging totoo na lang yung panaginip ko. Agad namang umagos ang mga luha ko..
Fvck! Shit! Pati pa naman sa panaginip ko ay pinaasa ako.
*krriiinnng.. *
Mabilis ko namang sinagot yung tawag ng makitang si Meylein ito. Napatingin ako sa alarm clock at 10:18 palang ng gabi. Bakit kaya napatawag ang babaeng to?
"Bal.." sagot ko.
Nagulat ako ng marinig siyang humikbi.
"Bal, bakit... Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" nagtatakang tanong ko.
[Bal.. Si... Si K-kuya..]
Inabot ng kaba ang dibdib ko ng marinig ang sinabi ni Meylein.
"Bakit? Anong nangyari, Bal?" kinakabahang tanong ko.
[N-nasa h-hospital kami.. Pu-pumunta ka na lang dito.]
Agad ko namang tinanong sa kanya kung ano ang address ng hospital na sinabi niya. Mabilis akong bumaba ng kama saka patakbong nilabas ang bahay.. Di ko na alam kung ano ang gagawin ko..
*FASTFORWARD*
"Bal..." tawag ko agad kay Meylein ng makita siyang nakaupo sa may bench pati na rin sila tita at tito.
Mabilis namang siyang lumingon saka niyakap ako ng mahigpit habang humihikbi. Maging si tita ay humagolhol ng iyak habang inaalo ni Tito.
"Bal, anong nangyari kay Exceal.." tanong ko.
"Nasa... Nasa e-mergncy r-room si Kuya..." sagot niya.
Nanlamig ang katawan ko dahil sa sinabi niya kasabay ang pagbagsak ng mga luha ko.
Inalis ko ang pagkayakap niya sa akin saka tinitigan siya ng maigi.
"Bakit?" umiiyak kong tanong.
"Naaksidente siya at posibleng hindi siya magising ng ilang buwan dahil sa natamo niya. "sagot niya.
Napaluhod naman ako habang umiiyak. Naramdaman ko na inalo ako ni Meylein kaya niyakap ko siya ng mahigpit.
BINABASA MO ANG
MARRYING THE HEARTLESS ONE
RandomHello, everyone! Welcome to my story.. I hope you'll read this one.. Please keep on supporting guys. Thank you. Date Started: September 30, 2018