CATRIENA's POV
Hanggang sa makarating kami sa Palawan nanatiling tikom ang bibig ko habang nakikinig lamang sa mga kaibigan ko.
"Bal, are you ok?" tanong sa akin ni Meylein habang naglalakad kami papunta sa quarter daw namin.
Tinanguan ko lang siya.
"Kanina ka pa tahimik." nag-alalang sabi ni Jolina.
Nginitian ko lang sila
"Yeah. Napansin ko rin yan mula nang lumabas siya sa kanyang kwarto. May ginawa ba sayo ang ex-husband mo, Cat?" tanong ni Rubie.
Medyo naman natigilan ako sa tanong niya. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanila kung ano ang nangyari sa kwarto ko.
"Meron kasi ako ngayon kaya wala ako sa mood."pagsisinungaling ko saka sila nilagpasan habang karga ang anak ko.
" Mom, nakakapagod pag biyahe. Gutom na tuloy ako. "pagmamaktol ng anak ko.
Natawa naman ako sa akto niya. Dumaan kami sa may karenderya para kumain. Gutom na rin kasi ako eh.
"Di ba kayo nagugutom?" tanong ko sa mga kaibigan ko na nakasunod sa amin.
"Of course. Ang layo kaya ng binyahe natin." sabi ni Rubie bago lumingon sa babaeng mag serve ng pagkain.
"I want kare-kare saka adobong baboy." sabi ni Meylein.
"Kumain ka ng mga yan?" nagtatakang tanong ni Jolina.
Tumaas yung kilay ni Bal sa tanong ni Jolina.
"Oo. Bakit?" tanong niya.
"Aha! Diba kayong mga mayayaman di mahilig sa mga pagkaing tulad ng mga ito. Diba more on deliveries kayo and sa restaurant?"paliwanag ni Jolina.
"Porket mayaman hindi na pwedeng kumain ng mga ito. Masarap kaya ang mga ito. Saka sanay na rin akong kaming kumain ng ganito. Isaw is the first food na natikman ko sa mundo niyo. Well, mayaman nga kami pero hanggang dun lang yun. Tsaka pantay-pantay lang tayo dito sa mundo, ok? "mahabang sabi ni Meylein bago umupo sa tabi ko.
"Oo o Hindi lang naman siguro ang dapat isagot dun, bakit ang haba na. Mala-Catriona Gray lang ang peg natin te." sabi ni Jolina saka umupo na rin.
"Gusto ko lang ipaliwanag, ok. I just want to inform you baka kasi iisipin niyong ang feeling ko. Baka sabihin nyong nandidiri ako sa mga pagkaing nasa karenderya. Masarap kaya ang mga bentang pagkain sa kalye or karenderya. Hindi kasi katulad ang pamilya namin sa iba, dahil kahit ano tatanggapin namin. We're not born to boast our wealth. We are born to be responsible for our family dahil galing din ang mga magulang namin noon sa matinding kahirapan. "saad ni Bal
"Ulit? Di ka ba maubusan ng sasabihin? Simple lang naman ng tanong ko pero umabot ka na sa Korea." sabi ni Jolina.
Ilang saglit dumating na yung inorder namin.
"Namiss ko ang mga pagkain na ito." masayang sabi ni Rubie habang nagniningning ang mga mata.
"Masarap talaga ang adobong baboy noh! Ito yung pinakapaborito ko sa lahat." sabi ni Bal.
Agad ko namang sinubuan ang anak ko.
"Uy, girls di man lang kayo nagpasabi na kakain pala kayo." sulpot ni Hans.
"Nagpa order pa naman si Trio. Sayang naman kung walang kakain nun." sunod na sabi ni Liam
"Pwede naman kayo." sabi ni Rubie.
"Tapos na kami kanina sa kotse. Masyado kasing malayo kaya biyahe habang kumain." sagot naman ni Hans.
*Kriinngg.. Krinng. *
BINABASA MO ANG
MARRYING THE HEARTLESS ONE
RandomHello, everyone! Welcome to my story.. I hope you'll read this one.. Please keep on supporting guys. Thank you. Date Started: September 30, 2018