Chapter Thirty-Three

1.6K 33 1
                                    

CATRIENA's POV

"Mommy, saan ka ba galing?" tanong ni Ethel pagpasok ko sa bahay.

Niyakap ko siya ng mahigpit. I miss her so much.

"Somewhere, baby. May inasikaso lang ang mommy." sagot ko saka hinalikan siya sa pisngi.

Anyway nandito ako sa bahay ni Rhys. Dito ako nagpahatid kay Jaze. Naalala ko yung sinabi niya bago umalis.

'Maniwala ka kay Trio dahil yun ang totoo. Hindi mo kilala kung sino or ano ang motibo ng lalaking yun sayo.'

"Where is your, daddy?" tanong ko.

"He's in the kitchen." sagot ni Ethel.

"Nandito ka na pala, honey. Sana tinawagan mo ako para nasundo kita." sulpot ni Rhys na nakasuot na ng apron.

Nginitian ko lang siya.

"Kukunin ko na sana si Ethel eh!" sabi ko.

Agad naman kumunot ang noo niya.

"What do you mean?" tanong niya.

"Don't worry, hindi ka namin iiwanan. Dadalhin ko lang siya sa condo ko." sabi ko.

Agad naman siyang ngumiti.

"Ok sige. Pero kumain na muna kayo." yaya ni Rhys.

"Rhys, anak!"

Napalingon naman ako sa tumawag kay Rhys. Damn!

"Dad! What are you doing here?" tanong ni Rhys bago yumakap sa ama.

"Nothing. Bumisit lang ako sayo." sabi ni Tito

Bumaling naman ang tingin niya sa akin.

"Ija, nice to see you again." sabi ni Tito Carlos.

"S-same tito." sabi ko.

"Mas lalo kang gumanda ah." nakangiting sabi ni Tito.

"Hehhe. Di naman po." sabi ko.

Di ko alam pero talagang kinakabahan ako habang nasa harapan ko ngayon si Tito Carlos. Hindi naman ganito ang nararamdaman ko noon nung pinakilala ako ni Rhys sa kanya.

"Anyway, Rhys. Darating daw sila Morisson at Jorex ngayon." sabi ni Tito.

"Uy, Rhys?!" sigaw ni Morisson na ngayon ay kakapasok lang habang nakasunod si Jorex.

"Nandito ka na pala, Catriena."sabi ni Jorex.

"Kakakita ko lang sayo kahapon dun sa island."sabi ni Morisson.

"What do you mean, Moris?" tanong ni Rhys.

Damn! Pahamak talaga ang lalaking to.

"She's in San Victor Island yesterday."sagot ni Morisson.

"San yan?" tanong ulit ni Rhys.

"Probinsya yun, bro! She's with Trio. Dapat kinadena mo si Cat, bro, para di makawala." sabi ni Jorex.

Nakaramdam naman ako ng kaba. Naalala ko pa rin yung pagbabanta na sinabi nila kay Exceal dun sa isla.

"Trio." sambit ni Tito Carlos. Kita ko kung pano kumuyom ang kamay niya. Napapikit na lang ako.

"Just kidding, Cat." humalakhak na sabi ni Jorex.

Nginitian ko lang siya ng peke.

Pumunta naman agad kami sa kusina saka umupo para kumain na.

Panay lang sila salit ng salita na hindi ko naman naiintindihan.

Maya maya'y nilingon ako ni Tito Carlos.

MARRYING THE HEARTLESS ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon