Chapter Twenty-Four

2K 35 4
                                    

Ito na ang hinihintay niyo. Ang POV ng asawa ko este pov pala ni Trio. Ang kulit kasi nila eh. Hahah. Gusto niyong malaman ang ginawa ni Exceal so ito na.

EXCEAL's POV

"Catriena is back na pala, bro." sabi ni Jaze habang tumutungga ng beer. Sinama ko kasi siya dito sa bar after nung nangyari kanina sa agency. Hindi ko dinisturbo yung tatlong ugok dahil busy sa kani kanilang mga asawa. Bati na rin kami ni Jaze. Matagal na.

"How did you know?" tanong ko.

"Gago, hindi ba uso sa iyo ang tumingin ng news. Siyempre artista at model yun kaya kahit na anong galaw alam ng lahat. Binalita kagabi. Nung isang araw pa daw bumalik kasama ang fiancee na si Rhys." sabi ni Jaze.

"He's my model, bro." tanging sagot ko saka tinungga yung isang baso ng beer.

"What the hell! So siya pala yung tinukoy mong model na galing sa ibang bansa na kinuha mo." gulat na sabi ni Jaze.

"Yeah." sabi ko.

"Bro, why she?" tanong ni Jaze.

Kumunot ang noo ko sa tanong niya.

"Why not?" tanong ko.

"Bro, I thought you hate her? Bakit siya pa ang kinuha mo? Don't tell me sasaktan mo na naman siya gaya ng ginawa mo noon sa kanya." sabi niya.

"She changed a lot, Jaze. Hindi na siya gaya ng dati." sabi ko.

"Then why did you get her as your model? Alam mo naman si Krysten hindi ba? Tsaka ikakasal na kayo this coming November. Baka si Catriena ang magiging dahilan ng di pagtuloy ng kasal niyo." Jaze.

"I don't care, bro. Alam mo naman na hindi ko mahal si Krysten. Sinabi ko lang naman dahil may responsibilidad ako sa kanya. May anak kami kaya pumayag ako. But hindi yun ang rason para di ko makuha ang akin. Catriena is mine alone. And I don't want to share. Kahit papatayin ko pa ang Rhys na yun. "sabi ko na nginingitngit ang aking ngipin.

7 years ago....

"Now, Mr. Hong, I heard na may asawa ka na daw." nakangising sabi ni Marlou.

Tiningnan ko siya ng masama.

"Wala ka naman sigurong binabalak sa asawa ko, Mr. Lee. Ipaalala ko lang sayo labas ang asawa ko dito." sabi ko.

"And I heard that your wife is too young. And I think masarap pa dahil ang bata pa." sabi ni Marlou.

Dahil sa sinabi niya uminit ang ulo ko kaya agad ko siyang kinuwelyuhan.

"Gago! Wag mong madamay damay ang asawa ko dito!" galit na sabi ko.

"Hong! That's enough. You two are being immatured.?!" galit na sabi ng nakatataas pa sa amin. "Konti na lang at iisipin kong hindi ko mga mafia leaders. Dahil sa nakita ko ngayon parang walang karadapat ni isa sa inyo ang pwedeng papalit sa pwesto ko." dagdag ng aming hari.

Binitawan ko naman agad siya saka padabog na umupo.

Yeah. You heard it right isa ako sa leader ng isang mafia's organization. There are 3 groups but one organization. Dahil sa malapit ng pumanaw itonf hari, naghahanap siya ng papalit sa pwesto niya o kaya tagapagmana ng organization. Actually, hindi ko naman kailangan na pumunta dito eh. Wala namang silbi dito. Ok lang naman sa akin ang isang leader ng mafia.

"Mahal na hari nakita mo naman ang inaasal ni Hong hindi ba? Dahil kung ako sa yo hindi ko siya pipiliin bilang tagapagmana mo." saad ni Carlos isa rin sa leader. "At tingnan mo naman si Marlou hindi ba? Nakita mo naman ang inasal niya. Sa tingin mo ba karapat dapat ang isa sa kanila ang magiging tagapagmana mo?"

"Oh come on, Carlos! I don't need that position. Kahit isaksak niyo ang posisyon na yan sa bunganga niyo wala naman akong pakialam."sabi ko.

Tatayo na sana ako ng magsalita ang hari.

"Trio Jeird Exceal Hong o kilalang Panthers will be my heir of this organization." sabi ng hari.

"What the hell!" rinig kong mura ni Marlou

"Is this a joke?" Carlos.

Nag-ingay dito sa loob dahil sa sinabi ng hari. Alam kong tutol sila dahil sa nasaksihan nila kung pano ko tratuhin ang aking mga tauhan.

"Siya ang karapat dapat na tagapagmana ko dahil sa kanya ko nakikita ang hinahanap kong potential. Being a king of this organization is very hard. Yes, I admit it. Kaya nga si Panthers ang heir ko dahil sa potential na hinahangaan ko. The way he treats his men towards the enemies. Kaya, Panther congratulations. "sabi ng hari saka bumaba ng trono niya.

Iginiya niya ang kaniyang kamay sa upuan na meron doon. Kahit labag sa kalooban ko ay dahan-dahan naman akong pumunta don. Tiningnan ko muna ng maigi ang gintong upuan bago ako umupo. Nakita ko kung pano umusok ang ilong ni Marlou sa galit at ang pagtagis bagang ni Carlos.

"Being a king of this organization, hindi pwede na may asawa ka." sabi ng hari.

"Eh yun naman pala eh, bakit si Hong ang pinili niyo eh, may asawa na yan." sabat ni Carlos.

"Arrange marriage. Hindi sila kinasal legally sa simbahan kaya pwede siya dito." sabi ng hari.

Narinig ko naman ang pagmura ng dalawa. Tiningnan ko lang sila saka nginisihan.

"Isa sa rule natin dito ay ang pag-aasawa. Hindi pwede ang pag-aasawa sa organisasyon na ito unless kung kasali siya dito. Outsider is not allowed to enter here. Kaya ikaw, Panther bilang bagong King inuutusan kitang hiwalayan mo ang iyong asawa kung ayaw mong ako ang papatay sa kanya. "mahabang sabi ng hari.

Kaya't simula nun iniba ko na ang pagtrato ko kay Catriena. Labag man sa kalooban ko ay nagawa ko siyang saktan physically pati na rin ang damdamin niya. Oo labag talaga sa kalooban ko ang ginagawa kay Catriena pero yun ang dapat gawin para naman iwanan niya ako dahil ayokong madamay siya sa pinasukan ko. She's too young for Pete's sake para makaranas ng ganun. Pero kahit ilang beses ko siyang sinaktan patuloy pa rin niya akong tinitiis hanggang sa mahulog ang loob ko sa kanya. Nahulog ang loob ko sa kanya dahil sa simpleng ginawa niya para sa akin. She's rude yet kind. Yes! Pero minahal ko siya palihim ayokong ipahalata sa kanya na may nararamdaman ako sa kanya kahit girlfriend ko pa si Maze. Nung dumating ang araw na namatay si Maze ay ibinuhos ko lahat ng galit ko na hindi naman niya deserve. Kaya nun dahil sa galit ko ginantihan ko siya gamit ang iba't ibang babae. Ewan ko ba kung bakit galit na galit ako sa kanya noon ng namatay si Maze. Si Maze ay kabilang sa organisasyong kinabibilangan ko under my group. She's my right hand anyway.

MARRYING THE HEARTLESS ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon