Chapter Forty Four

1.7K 27 3
                                    

CATRIENA's POV

"Ethel! Kunin mo yung bag mo sa kwarto!" utos ko.

"Ok po." sabi niya saka patakbong pumunta sa kwarto.

"Ikaw Camille, asan na yung bag mo?" tanong ko sa kanya.

"Nasa kotse na po, Ma." sabi niya.

Agad naman akong tumango saka lumabas na rin bitbit ang isang backpack.

Pupunta kasi kami ngayon sa Jacob Riis Beach para maligo. Masyado na kasing stress dahil sa mga problema kaya naisipan ni Exceal na magrelax na muna kami.
Actually I'm not familiar with that beach. Malayo rin daw yun.

"Baby, give me the bag." sabi ni Exceal kaya nginitian ko siya bago ibinigay ang bag.

"Ilang oras ba bago tayo makarating sa beach na yun?" tanong ko.

"2 hours." sagot niya.

Magsasalita na sana ako ng may dalawang white na van ang huminto at inilabas nun ang mga kaibigan ni Exceal pati na rin yung tauhan niya.

"Hi." bati ni Jenny sa akin.

"Hello." nakangiti ko ring bati.

"Anong oras ba tayo darating sa ating pupuntahan?" tanong ni Dea

"Jacob Riis yung pupuntahan natin tapos di mo alam kung ilang oras tayo babiyahe? Akala ko ba taga rito ka?" Jovelyn

Umirap si Dea.

"Gaga, oo taga rito nga ako pero hindi naman ako tigpunta sa beach na yun noh! I am always busy. Kaya pano ako makakapunta sa beach na yun kung marami akong ginagawa." Sabi ni Dea.

"Kunin niyo yung ibang gamit sa loob." seryosong utos ng asawa ko.

Tumango naman sila kaya ang naiwan ay mga kaibigan na lang niya.

Napansin kong wala si Jaze.

"Asan si Jaze?" nagtatakang tanong ko.

Naramdaman ko naman agad ang paggapang ng kamay sa bewang ko. Sino pa ba ang gagawa nun. Idiniin niya yung katawan ko sa katawan niya.

"Bakit mo hinahanap si Jaze? Nandito naman ako. " seryosong bulong niya.

Inirapan ko siya saka mahinang itinulak.

"Malamang wala siya dito kaya hinanap ko." mataray na sabi ko.

Napakaseloso talaga.

Agad naman tumawa ang mga kaibigan niya.

"Nasa Korea si Jaze. Dun siya nag vacation dahil peaceful daw dun. Ano bang peaceful doon tsssk." sabi ni Liam

"Napansin ko lang nung pumunta kayo dito bakit parang pasan ni Jaze ang buong mundo. Ano ba ang problema nun?" tanong ko.

"Inlove yun sa kaibigan mong si Rubie but sad to say engage na pala yun. Hahaha kaya ayun nag move on." natatawang sabi kwento ni Hans.

Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.

"Seriously?!" gulat na sambit ko.

"Yup, remember the kiss na binigay ni Jaze kay Rubie sa Palawan, that's not the firs time they met. Na love at first sight ang mokong sa kaibigan mo." mapangutyang sabi ni Kiro.

Napailing na lang ako. Hahahah. That's unbelievable hahah.

Agad naman lumabas ang dalawang bata papunta sa direksyon namin pati na rin yung apat na babae na may dala dalang maliit na bag.

MARRYING THE HEARTLESS ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon