Kabanata 1
"Ate naman!" reklamo ko.
"Aba, Sha! Maghanap ka. Maraming nangangailangan ng trabaho ngayon. Mag-apply ka kaya bilang maniger?"
"Ate manager po. Hindi maniger," I corrected her. Inirapan niya lang ako at binalik ang kanyang atensiyon sa bata.
She's my cousin. May anak na. Kanina pa rin kami nagtatalo kung saan ako mag-aapply ng trabaho at kung anong posisyon ang pag-aapplyan ko. Sino ba namang tatanggap sa isang babaeng 'di nakatapos ng kolehiyo? Syempre wala.
Huminto ako sa pag-aaral dahil matanda na ang aking ama't ina. Nakapasa ako sa scholar ng CHED pero mas pinili kong huminto dahil walang mag-aalaga sakanila. Bilang nag-iisang anak, tungkulin ko ang alagaan sila.
Nahihirapan akong maghanap ng trabaho. Minsan lang kasi makakahanap ng trabaho sa lugar namin. Minsan pa nga naisip kong makipagsapalaran sa Maynila.
"Pero, Sha. May nakapagsabi sa akin na may naghahanap daw ng babysitter ang CEO ng isa sa malaking kompanya doon sa Maynila," biglang sambit ni Ate.
Mabilis na nagsalubong ang kilay ko. "Totoo?" I asked.
Tumango lang ito. "Oo. Subukan mong lapitan si Bembem," aniya.
Nalukot muli ang mukha ko sa sinawika niya. "Bembem? Anong gagawin ko sa kanya? Tatanggalan ng kilay?"
Tumawa nang malakas si ate at isinayaw ang bata habang nakasuso sakanya. "Lapitan mo siya. Ang secretary ng CEO na iyon ay kaibigan niya. Hindi imposibleng makapasok ka."
Kinamot ko ang ulo ko at binuklat ang iilang pahina ng papel na nakapaloob sa folder. "Wala bang requirements?" I asked.
"Itanong mo iyan kay Bembem," she replied. Biglang tumunog ang kanyang cellphone kaya agad itong nag-paalam. "Oh, siya. Aalis na kami, Natasha."
Tumango lang ako at hinalikan ang anak niya sa pisngi. Agad akong pumasok sa kwarto upang magbihis. Simpleng T-shirt lang at isang loose jeans. I'm not into fitting thingy. Makati sa katawan. Mas mabuting maging losyang kesa pilitin ang sarili na suotin ang damit na makati sa katawan.
"Oh, Sha? Saan ka pupunta?" tanong ni Mama. Ngumiti lang ako sakanya at niyakap siya.
"Ma, magpapaalam sana ako. Pupunta ako kina Toyco. May itatanong lang."
Tumango lang si mama. "Oh, siya. Humayo ka na. Mag-iingat ka."
I nodded and said goodbye. Pagkalabas ko ay malalaki ang hakbang ko papuntang bahay nila ni Bembem. May iilang mga kapitbahay akong nakakasalubong na nginingitian ko na lang bilang pagbati.
"Oy, Sha! Saan ang lakad?" sambit ng kakilala kong si Mark at inakbayan ako nito.
"Wala ka na du'n." I smirked.
"Baka jowa iyang nilalakad mo, ah. Ano? Naging babae ka na ba?" asar nito na ikinasimangot ko.
Siniko ko siya sa tagiliran at sinamaan ng tingin. "Anong tingin mo sa akin kahapon, lalaki?"
Ngumisi siya sa akin at inakbayan akong muli. "Oo na. Babae ka na. Hay, sayang ganda mo kung magiging tomboy ka. Saan ka ba kasi pupunta?"
"Pupuntahan ko si Bembem. Magtatanong ako kung available pa ba 'yung trabaho sa Maynila," I replied.
"Magma-Maynila ka?" tanong nito.
Tumango lang ako at bumuntong hininga. "Kailangan, Mark, e. Mawawalan kami ng makakain," sagot ko. "Tao po!"
"Sige, Sha. Mauuna na ako," paalam niya kaya tumango nalang ako.
"Oh? Napadalaw ka, Sha?" Sinalubong ako ni Bembem nang pumasok ako sa loob ng kanilang internet cafe.
BINABASA MO ANG
Babysitting the CEO's Son [COMPLETED]
Teen FictionJared Lyndon Montenegro. Ang lalaking walang ibang alam kundi ang makipagbasag-ulo sa labas. Simula nang mawala ang ex niya, naging gawain na niya ang mambugbog at maglakwatsa tuwing gabi. Then the girl named Natasha Venice Aurin who applied to be h...